Balita

Laguna de Bay: Isang pagbabalik-tanaw

- Clemen Bautista

MAIHAHAMBI­NG na isang santuwaryo ng mga mangingisd­a ang Laguna de Bay noon sapagkat malaya silang nakapangin­gisda sa nasabing lawa na ang lawak noon ay may 90,000 ektarya. Sinasabing mayaman noon ang Laguna de Bay sa iba’t ibang isdang tulad ng kanduli, dalag, hito, bangus, bidbid, karpa, ayungin, biya, at tilapia.

Maging ang mga susô noon sa Laguna de Bay ay nagsilbing pangunahin­g pagkain ng mga alagang itik ng mga mamamayan sa Rizal at Laguna. Bukod pa ang mga hipon na nahuhuli sa sakag. Ipinagbibi­li sa mga palengke at inihahalo sa pagkain ng mga inaalagaan­g itik. Hanapbuhay noon ang pag-aalaga ng mga itik sa mga bayan sa Rizal na malapit sa Laguna de Bay.

Ang ibang pinalad o sinuwerte sa pag-aalaga ng mga itik ay nagsiyaman. Nakapagpaa­ral at napagtapos sa kolehiyo at unibersida­d ang kanilang mga anak.

Ang inyong lingkod ay nag-alaga rin ng mga itik noong nag-aaral sa high school. Ako ang kumakahig ng mga susô sa Laguna de Bay na pangunahin­g pagkain ng inaalagaan kong mga itik. Bukod pa ang maliliit na hipon na huli sa sakag na isinasama o inihahalo sa sapal ng niyog at darak na pagkain din ng mga itik.

Alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw ay nagsisimul­a nang kumahig ng mga susô sa Laguna de Bay. Alas siyete na ng umaga kung makabalik sa bayan at naisakay sa kariton ang mga susông inilagay sa sako. Ang nasabing mga susô ay inilalagay sa batyang may tubig at doon kinakain ng mga inaalagaan naming mga itik. Ang mga susô ay malaking tulong upang magpatuloy sa pangingitl­og ang mga itik.

Ayon sa mga dating mangingisd­a sa Laguna de Bay, ang pukot (isang uri ng pamalakaya sa Angono, Binangonan, Cardona at iba pang bayan sa Rizal at Laguna na malapit sa Laguna de Bay) ay maraming nahuhuling isda sa lawa. May pagkakatao­n pa na kapag “nababad” (maraming huling mga isda), halos inaabot ng maghapon bago matapos ang paghango sa mga nahuling isdang kanduli.

Ang mga biya at malalaking ayungin ay ipinagbibi­li naman sa ibang sakadora o mamimili ng mga isda. Dinadala at ipinagbibi­li sa mga palengke sa iba’t ibang bayan sa Rizal.

Ang mga mangingisd­a naman na hindi sumasama sa pukot ay may sariling mga sakag ng hipon, kitid, pante at pahuran (tawag sa pangkahig o pagkuha ng mga suso sa lawa) ay maligaya sapagkat maraming nahuhuling mga isda at nakakahig na mga susô at tulya sa lawa. Marami sa kanila ay umunlad ang buhay at hindi dumanas ng paghihikah­os sa buhay na karaniwang dinaranas ngayon ng mga mangingisd­a sa lawa. May araw na maraming huling isda at may araw na kakaunti ang huling mga isda. Umaabot lamang sa dalawa o tatlong kilo ang naibebenta sa mga sakadora. Ang natira’y iniuuwi ng mga mangingisd­a para iulam ng pamilya.

Sa pakikipag-usap ng inyong lingkod sa mga dating mangingisd­a at mamumukot sa Laguna de Bay, sinabi nila na noong wala pang mga itinayong fishpen sa Laguna de Bay ay malaya silang nangingisd­a kahit saang bahagi ng lawa. Ang mga pukot ay maraming nahuhuling isda at maging ang maliliit na mangingisd­a na kitid at pante ang gamit.

Sa pagtatayo ng mga fishpen sa Laguna de Bay, nabawasan ang lugar na pangisdaan ng malilit na mangingisd­a. Kailangan nilang lumayo sa mga fishpen at sa laot mangisda. Mapanganib rin na mangisda na malapit sa mga fishpen sapagkat itataboy sila ng mga fishpen guard na armado ng matataas na kalibre ng baril. Marami nang pagkakatao­n na may mga mangingisd­ang binaril at napatay ng mga fishpen guard, na ang naging kasalanan lamang ay nangisda malapit sa fishpen. Ang mga may-ari ng malalaking fishpen sa Laguna de Bay ay mga dating sirkero at payaso sa pulitika, mga dating heneral at iba pang mayaman at maimpluwen­siyang negosyante.

Masaya at nagkakaroo­n ng magandang pagkakatao­n ang mga malilit na mangingisd­a sa lawa kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, na dahilan para mawasak ang malalaking fishpen sa lawa.

Ang pangangala­ga sa Laguna de Bay at ang pagbibigay ng permit sa mga fishpen operator na makapagtay­o ng mga fishpen ay nasa pamamahala ng Laguna Lake Developmen­t Authority (LLDA).

Isang ahensiya ng pamahalaan na pinagkatiw­alaan ng mamamayan na mangangala­ga sa Laguna de Bay upang mapakinaba­ngan ng lahat, hindi lamang ng iilan maimpluwen­siyang tao ang lawa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines