Ipon muna bago GF para kay Piolo

Balita - - Showbiz - Ni MERCY LEJARDE

Sna

A presscon ng SunPiology Trio namin nalaman

ten years na palang endorser ng Sun Life Insurance si Piolo Pascual. Kaya naman sa Q&A ay tinanong siya ni Yours Truly kung marami na siyang naiipon bilang financial security niya.

“Medyo nakakaluwag-luwag naman nang konti,” natawang sagot ni Papa P.

BukodsaanakniyangsiIñigoPascual,mayspecial someonebasiyangpinaglalaananngmganaiponniya? “Kahit gasgas na gasgas na siya… well, when it comes, it comes. I think it’s not for me to preempt this (magkaroon ng special someone), you know. [Pero] Masaya ako kasi you know, I was able to take my family on a vacation and, una for people my age, should bring special someone with you but I am happy to be able to spend my time with my loved ones.

“I just, make use of that. And when it happens, malalaman din naman natin ‘yan.

“Pero for now really, it’s not in my agenda. Parang gusto kong mas makapag-ipon pa para makaluwag-luwag nang konti pa. Ha, ha, ha!”

Anyway, ngayong nasa ikasampung taon na ang SunPiology ay may bagong pakulo si Piolo at ang Sun Life para makakalap ng pondo para sa libreng edukasyon, diabetes awareness at healthy living.

Dubbed as SunPiology TR10, may tatlong paraan para maging bahagi ng milestone na ito—ang BIKE o Sun Cycle PH sa November 17, 2018 sa Bonifacio Global City; RUN o Sun Life Resolution Run; at PLAY o Sun vs Stars with Star Magic, na parehong gaganapin sa January 26, 2019 sa Camp Aguinaldo.

Sa PLAY ay magkakaroon ng events sa badminton, volleyball at basketball, kung saan makakasama ni Piolo ang mga kapwa niya Star Magic artists.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.