Sharon, natakot nang mag-concert sa Big Dome

Balita - - Pangunahing pahina - Ni NORA V. CALDERON

PUNO ng sorpresa para kay Megastar Sharon Cuneta ang kanyang My 40 Years Sharon

concert, kaya naman hindi niya napigilang tumulo ang kanyang luha nang isa-isa niyang balikan ang mga pangyayari sa forty years niya in showbiz nitong Biyernes.

Opening number ni Sharon ang Bituing Walang Ningning.

Lahat ng guests niya ay nakaduet ni Sharon, hindi gaya ng ibang concert na nagtse-change outfit ang singer kaya may solo numbers ang guests.

Maganda lamang na lahat ng mga guests niya, ka-duet sila ni Sharon, hindi tulad nang ibang concert na habang nagtsi-change ng outfit ang singer, may solo song numbers ang guests niya. Instead may videos from her friends at mga kasamahan sa showbiz na ipinalabas tungkol kay Sharon.

Unang naka-duet ni Sharon ang eldest daughter niyang si KC Concepcion. Umuwi lang ng Pilipinas si KC from Paris to be with her Mom as she celebrates her 40 years in the industry. Alam naman ng lahat ang story ni Sharon sa pagpapalaki kay KC, kaya ang paborito niyang kanta sa kanyang mga concert at maging sa mga TV shows niya ay dedicated niya kay KC, ang If I Could, tungkol sa pagbibigay niya ng proteksiyon sa anak anuman ang mangyari.

Favorite rin daw niya ang Dear Heart dahil, biro ni Sharon, noon daw nabuo si KC. Sa movie with the same title nagbida si Sharon at ang first husband at ama ni KC na si Gabby Concepcion.

Ang Drama King na si Christopher de Leon naman ang forever crush ni Sharon, na naroon din sa concert. Biro niya, sa loob daw ng 40 years niya, tatlong dekada siyang nag-wish na mapansin siya ni Boyet, pero wala raw. Hanggang ngayon ay hanggang sa movies lang daw ang relasyon nila. Inawit nila ang Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan.

Tilian nang husto ang mga Sharonians nang ikinuwento ni Sharon ang ilang beses silang nakahiwalay at nakabalikan, na special guest din ni Sharon dahil wala ito sa list ng guests. Sino pa ba kundi ang pinakapaborito niyang leading man at minahal, si Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Maybe Someday ang duet nina Sharon at Richard, at feel na feel ng dalawa ang song, lalo na nang kabigin ni Richard ang likod ni Sharon. After the song, matagal pang nagyakap ang dalawa—na sa ngayon ay tinatapos ang shooting ng comeback movie nila for Star Cinema. Ayon kay Sharon, magsushooting sila sa Ormoc City nang ilang araw.

Ang pinakasorpresa talaga kay Sharon ay nang kakanta na siya pero wala pang lumalabas na makaka-duet niya, kaya ang gulat niya nang si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang lumabas sa stage kaya halos napasigaw sa tuwa si Sharon. Hindi man lang daw binanggit sa kanya na ang pinakagusto niyang makasama sa stage sa isang concert ay heto na,

katabi na niya at kaduet niya.

Somewhere Down The Road at Friends ang dalawang songs na kinanta nina Sharon at Regine.

Kahit kasi si Regine, nabanggit niyang dream din niyang makasama sa isang concert— iyong silang dalawa lang—ang Megastar. Nagiging guests sila sa concert ng ibang concert artists pero

‘yung concert nilang dalawa ay hindi pa nangyayari.

Ang tinutukoy kaya ni Sharon na “surprise project” niya next year ay sila nang dalawa ni Regine, sa ABS-CBN?

Anyways, sinuportahan ng mga kaibigan at family niya si Sharon, nagkuwentong ang huli niyang mag-concert sa Araneta Coliseum ay big flop. Hindi raw niya napuno ang venue, kaya matagal siyang natakot tumuntong sa Big Dome.

Pero nitong Sabado ng gabi ay labis-labis ang pasasalamat ni Sharon nang pagbukas ng ilaw sa buong Araneta Coliseum, ay punumpuno ito to the rafters.

Congratulations to the One and Only Megastar, Sharon Cuneta!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.