Coco, nagseselos sa ‘manliligaw’ ni Yassi?

Balita - - Pangunahing pahina - Ni ADOR SALUTA

SA nakaraang episode ng Tonight with Boy

Abunda, nilinaw ni Yassi Pressman kung ang namamagitan ba sa kanila ni Coco Martin ay gaya ng relasyon nila sa seryeng FPJ’s Ang

Probinsyano, na gumaganap na mag-asawa at nagmamahalan bilang sina Alyana at Cardo.

Seryosong sinagot ni Yassi ang mga katanungang ibinato ni Boy Abunda, host ng show, tungkol sa totoong namamagitan sa kanilang dalawa ng action star.

“’Yung care para sa isa’t isa. Si Coco po kasi ‘yung tipong inaalagaan niya lahat, sinisigurado niyang maayos ang lahat, nakakain na lahat,” bungad ni Yassi. “Ako rin naman po I like showing people that they’re important to me.”

Matatandaang nagsimulang umugong ang balitang may relasyon daw sina Coco at Yassi nang mag-viral ang isang video clip na nakitang “naghahalikan” ang dalawa.

Tinanong rin siya ni Tito Boy kung totoong nagseselos si Coco sa isang basketball player na nanliligaw kay Yassi. Tumawa lang ang aktres.

“Unang-una, Tito Boy, hindi po siya basketball player, and ‘yung tao pong ‘yun is part of our marketing team. Kasi nagbibuild po kami ngayon ng website, we’re putting out a book also.”

Kinumpirma ni Yassi na magkaibigan lang sila ng lalaking tinutukoy at malapit din daw ang lalaki sa pamilya niya.

“Close din naman po. Matagal na po. As in bago pa ako mag-showbiz,” paglilinaw ni Yassi.

Ipinagmalaki rin ng Fil-British actress na isa siya sa mga nabigyan ng break ni Coco sa showbiz, na direktor na rin ngayon ng Ang Probinsyano.

“Isa po ako sa mga tao na nabigyan niya ng bagong buhay, kasi nabigyan niya ako ng opportunity,” sabi ni Yassi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.