Volcanoes, sabak sa Asia Seven Series

Balita - - Libangan -

HANDA na ang Globe Philippine Volcanoes para sa second leg ng 2018 Asia Rugby Sevens Series ngayong weekend sa Korea.

Target ng Volcanoes na makasampa sa Top 4 para makaabot sa mas mataas na ladder.

Binubuo ang koponan nang mga beteranong player na sina Jonico Ater Hardwick kasama sina Ned Plarizan Stephenson, Edlen Cortez Hernandez at Sean Celada Lynch. T

Ayon kay Team Captain Christopher Arpon Bird, kumpiyansa ang Volcanoes sa kanilang kampanya.

“We had a good start to the last tournament, we want to replicate that performance and show consistency. We are confident with how our training has been the last week in Manila, it’s now time to execute and attain the results we aim for,” sambit ni Bird.

Umaasa ang Volcanoes na malalagpasan ang hamon ng mga karibal na tulad ng nagawa nila sa Hong Kong kung saan tumabla ang Philippines sa Japan (1st seed), China (5th seed) at Malaysia (8th seed) sa Pool A ng kompetisyon.

“China and Malaysia have shown both their team’s strengths and weaknesses, we aim to target those weaknesses to exploit potential opportunities for our team to get ahead. Sevens rugby is very unpredictable, so we have to be sure to control the game where we can and maximize our opportunities,” ayon kay Bird.

Ang Asia Sevens Series ang premier Sevens competition sa Asia,.

May nalalabi pang dalawang leg event ang Volcanoes sa Sri Lanka para sa ikatlo at huling leg sa Oktubre 12.

STEPHENSON

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.