Sharon kinukumbinse sa ‘repeat’

Balita - - Showbiz Atbp. - Nitz Miralles

MARAMI ang kumukumbinse kay

Sharon Cuneta na magkaroon ng repeat ang kanyang sold out My 40

Years Sharon concert dahil marami ang hindi nakapanood nito matapos na magkaubusan ng tickets.

“So guys, my Team Mega, they tell me that there were way too many people who were calling and trying to buy tickets even at Araneta at the last minute. They are trying to convince me to do a REPEAT! What do YOU think?!” post ni Sharon.

Kabilang si Lani Misalucha sa mga sumagot ng “yes” sa tanong ni Sharon, at siguradong marami pa ang gustong ulitin ang successful na anniversary concert ng Megastar. Kahit ‘yung nakapanood na ay gugustuhin pa ring mapanood muli ang concert ni Sharon, dahil talaga namang maganda sa lahat ng aspeto.

Isa si Regine Velasquez-Alcasid sa guests ni Sharon, kaya natupad na ang dream ni Sharon na maka-duet si Songbird.

“My biggest surprise for my 40th! My Songbird sang for and with me I love you so much Regine! Thank you from the bottom of my heart! #regineaanako,” post ni Sharon.

Kabilang sa mga nanood ng concert nin Sharon si Maricel Soriano, at sa backstage pa lang ay nagkita na sila at nagyakapan.

“Thank you so much my dear Diamond Star, Ms. Maricel Soriano for the beautiful flowers and for coming to my show. I love you, Marya!”

Nag-post din si Sharon ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nanood sa concert niya. “Thank you again from the bottom of my heart, everyone!!! Maraming, maraming salamat po ulit! Lord too many blessings na po! But I’m not complaining Lord!!! Thank YOU PO!!!”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.