I am overwhelmed!

Balita - - Showbiz Atbp. - Ni ADOR V. SALUTA

KUMBAGA sa pelikula, box-office hit ang katatapos lang na concert ng megastar Sharon Cuneta, ang My 40 Years Sharon, na ginanap nitong September 28 sa Araneta Coliseum.

Bago pa man ang takdang araw ng concert ay sold-out na ang mga tickets, ayon pa Mega mismo, nung nag-promote siya sa It’s Showtime.

“Yes I am overwhelmed, I’m overwhelmed. I got to do away of my fear of my insecurities, all the pain in my heart,” pahayag ni Sharon pagkatapos ng event.

Maraming Kapamilya celebrities ang nakibahagi sa concert na ‘yun at isa na rito ay ang dati niyang karelasyon na si Richard Gomez. Sa concert, ibinahagi ng Megastar ang playdate ng kanyang reunion movie with Richard, ang Three Words To Forever.

“I’m just so excited to be in the concert scene again, my new album in Star Music again is out. I’m doing a new movie again with Goma [Richard Gomez] for Star Cinema showing November. And I’m doing many, many more of projects,” masayang sagot ng aktres.

Napa-throwback naman ng kilig ang audience sa naging duet nina Sharon at Richard Gomez, at dumagundong ang hiyawan sa Big Dome.

“Nagulat din ako, eh. I was not expecting that reaction. So siguro talagang gusto talaga ng fans na may gawin pa kami ulit,” sinabi ni Richard sa interview sa kanya ng Push.

Inaasahan na sa unang linggo ng Oktubre magsisimula ang shooting ng Sharon-Richard reunion movie sa siyudad ng Ormoc sa Leyte, kung saan incumbent mayor si Goma.

Sa huling bahagi ng concert ni Sharon, labis na pasasalamat ang ipinaabot ng Megastar sa naging suporta sa kanya ng mga fans throughout the years.

“Thank you so much to all of you for your support. Again my Sharonians, maraming, maraming salamat!” sabi pa ni Sharon.

Samantala, present din siyempre sa concert si KC Concepcion, na naka-duet ng Megastar at naging emosyonal sa kanilang song number. Present din sina Christopher de Leon, Basil Valdez, Rey Valera, Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsazsa Padilla at Kuh Ledesma.

Sorpresa naman ang pagsampa sa entablado ni Regine VelasquezAlcasid para sa isang duet kasama si Sharon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.