Balita

Krisis sa tubig, ilalahad ni Atom Araullo

-

SAMAHAN si Atom Araullo ngayong Linggo, Setyembre 30, sa pagtalakay sa masalimuot na isyu ng tubig sa Pilipinas sa The Atom Araullo Specials.

Masalimuot ang relasyon ng Pilipinas sa tubig. Sa isang banda, sobra-sobra tayo sa tubig dahil napalilibu­tan tayo ng mga karagatan. Tauntaon din tayong binabayo ng hindi bababa sa dalawampun­g bagyo. Pero para sa mahigit siyam na milyong Pilipino, pahirapan ang paghahanap ng malinis na tubig. Babala pa ng ilang eksperto, dahil sa paglaki ng ating populasyon at climate change, maaaring maging mas madalas at mas malala pa ang pinsala ng labis na tubig, samantalan­g mas marami ang makararana­s ng kakulangan sa malinis na tubig sa mga darating na taon.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Ompong’, pumunta si Atom sa probinsya ng Cagayan kung saan nag-landfall ang sinasabing pinakamala­kas na bagyo ngayong taon. Sa loob lamang ng tatlong araw, ang tubig na ibinuhos ng bagyo sa Tuguegarao (170mm), ay halos kasing dami na ng average rainfall dito sa buong buwan ng Setyembre (200 mm). Sinabayan pa ito ng napakalaka­s na hangin na sumira sa Tuguegarao airport at mga kabahayan.

Isa sa mga labis na nakaranas ng hagupit ng bagyo si Mang Rodento Sibaluka, 64 years old, isang magsasaka sa Balazain, Tuguegarao. Nang abutan siya ni Atom sa evacuation center, alalang-alala siya sa lagay ng kanyang maisan. Kaya nang humupa ang hangin at ulan, agad-agad niyang tinungo ang kanyang sakahan. Ang sumalubong sa kanya, P200,000 halaga ng napinsalan­g tanim. Dalawang linggo na lang daw sana ay aanihin na ito.

Para sa karamihan ng 12.8 milyong nakatira sa Metro Manila, isang pihit lang ng gripo, tiyak may tutulo ng tubig. Gayunman, may mga pamilya pa ring araw-araw ang kalbaryo sa pag-iigib. Sa Tondo, nakilala ni Atom si Danilo dela Cruz, ang asawa niyang si Rhea at ang anim nilang anak. Araw-araw, P50 sa P280 pesos na kita ni Danilo sa pangangala­kal, napupunta sa pagbili ng tubig na ginagamit nila maghapon. ‘Di na nila alintana kung ligtas ba ang tubig o hindi, basta raw may magamit sa pang-araw-araw na pangangail­angan nila.

Dumayo rin si Atom sa Loreto, Agusan del Sur na isa sa tinatawag na “waterless communitie­s” sa Pilipinas. Ilang libong residente rito, mga Manobo na nakagisnan na ang palutang-lutang na buhay sa Agusan Marsh. Dito sila nakatira, nangingisd­a at sumasalok ng tubig na pang-inom at pangluto.

Pero sa pagdaan ng panahon, lumalala na ang polusyon sa mismong lawa. Nasaksihan ni Atom kung paano nangangani­b ngayon ang kultura at paraan ng pamumuhay ng mga Manobo dahil sa nagbabagon­g kalagayan ng tubig. Huwag palampasin ang The Atom Araullo

Specials: Daloy, A Water Crisis, ngayong Linggo 4:30 ng hapon sa GMA 7.

 ??  ?? Atom
Atom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines