Mga asong kinakatay sa SoKor, sinagip ni Simon

Balita - - Showbiz -

NAG-DONATE si Simon Cowell ng £25,000 ($32,640) para ipasara ang dog meat farm sa South Korea.

Ayon sa ulat ng PEOPLE, pumayag ang America’s Got Talent judge, 58, na magdonate sa Humane Society International (HSI), isang charity na lumulutas ng mga problema ng hayop sa buong bansa.

Nag-tweet ang HSI tungkol sa donasyon ni Simon nitong Biyernes. Anila, ang pera ni Simon ay sasagip sa mahigit

200 aso at tuta sa isang dog farm sa South Korean na nagpapalaki ng aso para katayin at ibenta.

Balak ng charity na magpunta sa nasabing bansa para sagipin ang mga aso, at pagkaraan ay ipadadala nila ang mga ito sa iba’t ibang bansa kabilang ang United States, Canada, the United Kingdom, at Netherlands para sa kanilang recovery at adoption. Nag-tweet din sila ng larawan ng isang inang aso kasama ang kanyang mga tuta, na nakakulong sa isa sa mga kulungan sa farm. Ayon sa HSl I, sa kulungang bakal pinalalaki ang mga aso bago katayin. Karaniwan silang pinapatay sa pamamagitan ng pagkuryente o pagbigti. “Simon’s generous donation means the world to us, and provides a huge boost to our appeal to close this horrendous dog meat farm,” lahad ni HSI UK Executive Director Claire Bass sa isang pahayag. “More than 200 dogs are languishing in the most appalling conditions, but we have a real chance to save them. … These poor dogs have had the worst lives so far, so we’re desperate to get them out of those dreadful cages and show them love, soft beds and loving arms for the first time in their lives.”

Simon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.