CNN founder Ted Turner, may dementia

Balita - - Showbiz - Reuters

ISINIWALAT ni Ted Turner, ang bilyonaryong nagtaguyod ng cable news channel na CNN, na mayroon siyang sakit na dementia, kaya nagiging makakalimutin na at laging pagod.

Inihayag ni Ted, 79, sa CBS television sa isang panayam na na-diagnose siyang may Lewy body dementia, isang progressive brain disorder.

“It’s a mild case of what people have as Alzheimer’s. It’s similar to that. But not nearly as bad. Alzheimer’s is fatal,” sabi ni Ted sa journalist na si Ted Koppel, nang kapanayamin nito para sa CBS Sunday Morning.

Inilabas ng CBS nitong Biyernes ang advance excerpts ng naturang panayam, na kinunan sa rantso ni Ted sa Montana nitong taon. Kinumpirma naman ng mga kinatawan ni Ted ang balita sa Reuters.

“Thank goodness I don’t have that. But, I also have got, let’s - the one that’s - I can’t remember the name of it,” sabi ni Ted.

“Dementia. I can’t remember what my disease is,” aniya pa.

Nang tanungin kung anong mga sintomas na ang nararanasan niya, ani Ted, “Tired. Exhausted. That’s the main symptoms, and forgetfulness.”

Itinaguyod ni Ted, isa ring philanthropist, ang CNN noong 1980 bilang ang unang 24 hour all-news cable network. Naging vice chairman din siya ng media conglomerate na

Time Warner ngunit umalis din noong 2003 at wala na siyang kinalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya.

Tinatayang 1.4 milyong katao sa America ang apektado ng Lewy body dementia at ang sintomas nito ay pagkakaroon ng pagbabago sa memorya at pag-uugali, ayon sa Lewy Body Dementia Association.

Napag-alaman sa autopsy ng komedyanteng si Robin Williams, na nagpatiwakal noong 2014, na dumanas ito ng Lewy body dementia.

Ted

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.