Pelikula tungkol sa mga tiwaling pari, kontrobersiyal sa Poland

Balita - - Showbiz - Reuters

NAALARMA sa isang pelikula ang mga konserbatibong pulitiko sa Poland dahil tampok dito ang isang lasenggero, “fornicating” at mapangabusong mga pari, at napagdebatehan ang impluwensiya ng Catholic Church sa naturang bansa, na isang relihiyosong bansa sa Europe.

Umiikot ang istorya ng Kler (Clergy) sa buhay ng tatlong fictional Catholic priest na umiinom ng alak at kinukutya ang simbahan. Isa sa kanila ang sexual na umaabuso sa isang bulag na lalaking orphan.

Nagpahayag ng ‘di pagsang-ayon sa pelikula ang ilang senior member ng ruling Law and Justice (PiS) party ng Poland, na umaasa sa suporta ng Simbahan sa eleksiyon.

Noong Enero, inatasan ng isang korte sa Poznan ang Catholic Church sa Poland na bayaran ang mga pinsala at bigyan ng panghabambuhay na pensiyon ang babaeng seksuwal na inabuso ng isang pari, noong bata pa siya. Nakatakda naman dinggin ang ikinasang apela sa Oktubre.

Samantala, pinuri naman ng mga kritiko ang Kler, na idinirek ng batikang Polish director na si Wojciech Smarzowski, makaraang mag-premiere sa Polish film festival nitong nakaraang linggo.

Hindi ito sinang-ayunan ni Jaroslaw

Sellin, isang deputy culture minister sa PiS government, at inakusahan niyang ipinopromote nito ang “negative stereotypes” at hindi pantay na pagtrato sa Simbahan.

Nais naman ng ibang miyembro ng PiS, na ipagbawal ang pagpapalabas ng Kler.

Tinawag naman ito ng nangungunang news program sa bansa, na konektado sa PiS na, “just another attack on the Catholic church, brutal and untrue”.

Paunti na nang paunti ang dumadalong deboto sa Simbahan sa Poland, pero nananatili pa rin itong isa sa mga pinakarelihiyosong bansa sa Europe.

Iniulat ng The Institute for Catholic Church Statistics, isang Warsaw-based research center na pinatatakbo ng mga pari, na halos 85 percent ng 38 milyong populasyon sa bansa ay mga Katoliko, at 37% sa mga ito ang nagsisimba tuwing Linggo.

Kinunan ang Kler sa mga simbahan sa Czech Republic dahil ang matagal ang proseso para makakuha ng permit na makapag-shoot sa mga simbahan sa Poland, sabi ni Wojciech sa French TV channel na Canal+.

Sa promotional video, sinabi niyang umaasa siyang ititigil na ng publiko ang pagtrato sa mga pari bilang santo: “They’re not saints. They just wear cassocks.”

Eksena sa ‘Kler’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.