Balita

4 Chinese tiklo sa pagdukot sa kababayan

- Ni BELLA GAMOTEA

Arestado ang apat na Chinese nang dukutin at saktan umano ang kapwa nila Chinese na may utang sa kanila sa loob ng isang hotel sa Pasay City, iniulat kahapon ng Southern Police District (SPD).

Kinilala ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Noel Flores ang mga suspek na sina Wu Ping, 36; Wang Xin Nong, 31; Wie Wang, 34; at Wu Lup, 34, pawang ng Pinpin Street, Binondo, Maynila.

Ayon kay Senior Supt. Flores, kinasuhan na nitong Sabado ang mga suspek habang hindi lumutang ang biktimang si Xiao Jie, 25, ng Barangay 183, Pasay City, sa halip ay naghain ang kanyang abogado ng affidavit of desistance nito na nagsasabin­g hindi siya magsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Sa ulat ng SPD, dinakip ng mga pulis ang mga suspek sa loob ng isang hotel na matatagpua­n sa EDSA Extension, Bgy. 76 sa Pasay City kamakalawa, dakong 1:00 ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Flores, nitong Biyernes, Setyembre 28, ay personal na nagtungo sa pulisya ang kaibigan ng biktima na si ZhinKun Guo, casino agent, at humingi ng police assistance para sagipin si Jie na dinukot ng mga suspek at dinala sa isang hotel upang doon saktan bago nagdemand ng P470,000.

Sinasabing malaki ang utang ng biktima sa mga suspek kaya umano ito dinukot at sinaktan ng mga suspek.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang Pasay Police at inaresto ang apat na dayuhan at sinagip ang biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines