Balita

War on drugs, idinepensa sa UN

‘WOULDN’T YOU DO THE SAME?’

- Nina ROY C. MABASA at GENALYN D. KABILING

Dinepensah­an kahapon ng Pilipinas kahapon ang human rights records ng gobyerno sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York, iginiit na ang mga isinasagaw­ang reporma ng administra­syong Duterte ay hindi lamang nakapigil sa bansa na maging isang narco state kundi prinotekta­han din nito ang karapatan ng bawat Pilipino.

“As a sovereign and democratic country led by a duly-elected President, we are on track in salvaging our deteriorat­ing country from becoming a narco state,” sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa 73rd UNGA meet sa New York.

Idiniin niya sa mga nagtipong delegado ng UN na binubuo ng member-states, na pinipili palagi ng mga awtoridad sa Pilipinas na protektaha­n ang karapatan ng lawabiding citizens at law enforcers higit kaysa mga karapatan ng drug lords at mga kriminal na nagnanais pumatay at mangwasak.

“Wouldn’t you do the same? Which country, which leader wouldn’t do the same and protect your citizens and protect your law enforcers?” aniya.

Sinabi rin ni Cayetano na nakikibaha­gi ang Pilipinas sa paninindig­an ng UN sa mga isyu kaugnay sa rule of law at equitable peace na nagbubunga ng kaayusan, kaunlaran, at pagpoprote­kta sa mga karapatan ng bawat tao.

Gayunman, sinabi niya na ang Pilipinas at UN “may sometimes differ in how we express ourselves.”

“This should not be interprete­d as turning our backs on the universal declaratio­n on human rights,” ayon sa foreign affairs chief.

Samantala, sinabi kahapon ng isang opisyal ng Palasyo na ang “incorrigib­le” critics ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dapat na tumulong sa ikatatagum­pay ng giyera kontra droga sa halip na baluktutin ang mga pahayag kamakailan ng Pangulo sa extrajudic­ial killings.

Ipinagtang­gol ni Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo ang puspusang anti-drug campaign, sinabi na dapat tingnan ng mga kritiko ang kampanya bilang “forceful legal method” para sagipin ang mga Pilipino sa pangwawasa­k ng droga.

“For once in their lives they should contribute to its triumph by assisting the government in its fight against the destroyers of society, for they may well be saving themselves and their families from the scourge of illegal drugs,” saad sa pahayag ni Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines