Balita

Kababaihan ng Brazil nag-rally vs Bolsonaro

-

RIO DE JANEIRO (AFP) – Naglunsad nitong Sabado ang kababaihan sa buong Brazil ng mga protesta laban sa kandidatur­a ni Jair Bolsonaro, ang right-wing frontrunne­r sa presidenti­al elections sa susunod na linggo.

Ang kontrobers­iyal na si Bolsonaro, lumabas sa ospital nitong Sabado matapos saksakin at malubhang nasugatan ng isang aktibista sa rally noong Setyembre 6, ang nangunguna ngayon sa opinion polls.

Nagsimula ang mga martsa, inorganisa ng social media campaign sa ilalim ng hashtag #EleNao (Not Him) dakong 1800 GMT sa dose-dosenang lungsod kabilang ang Rio de Janeiro, kung saan libu-libong kababaihan ang nagtipon sa Cinelandia square, para sumama sa iba pang nagmamarts­a mula Avenida Rio Branco, isang pangunahin­g kalye.

Mas maaga namang nagtipon ang maliliit na grupo sa mga lansangan ng Sao Paulo at iba pang lokasyon. Mayroon ding mga demonstras­yon sa ibang bansa, mula Dublin hanggang Paris hanggang Budapest at Beirut. Nakiisa ang superstar na si Madonna sa kampanya sa Instagram post na kinabitan ng hashtag #endfascism.

Nag-tweet din ng suporta ang Time’s Up movement para sa gender quality: ‘’To our sisters in Brazil: We are all in this together. We see you and hear you. We are with you.’’

Si Bolsonaro, 63-anyos na dating army captain, ay binansagan­g racist, misogynist at homophobic ng kanyang mga kritiko.

Ginalit niya ang kababaihan nang bigyang katwiran niya ang gender wage gap, at nakipagdeb­ate laban sa pagkuha ng mga empleyadan­g magbubunti­s pa.

Ngunit ginalit ni Bolsonaro ang kanyang mga kalaban nitong Biyernes nang sabihin niya na hindi niya tatanggapi­n ang resulta ng botohan sa Oktubre 7 kung hindi siya ang panalo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines