Balita

Indonesia: Patay sa lindol, tsunami 832 na

- May ulat ni Bella Gamotea

PALU (AFP, Reuters) – Umakyat na kahapon sa 832 ang bilang ng mga namatay sa malakas na lindol at tsunami sa Indonesia, habang nahihirapa­n sa pagkain at tubig ang mga tulalang mamamayan ng Sulawesi, laganap ang panloloob at tumitindi ang pangamba na wala pa ring balita sa mga bayan.

Sinabi ni Indonesian vice-president Jusuf Kalla na maaaring umabot ang bilang ng mga nasawi sa ‘’a thousand, thousands’’ batay sa mga naunang kalamidad.

Iniulat ng state media na 832 na ang namatay at 540 ang malubhang nasugatan, ngunit ang mga bilang na ito ay para lamang sa Palu at nangangamb­a ang relief agencies na tataas pa ito kapag pumasok na ang mga balita mula sa iba pang apektadong lugar.

‘’Worryingly, the National Disaster Management Agency has said they’ve received no informatio­n from the district of Donggala, which is closer to the epicentre of the earthquake,’’ sinabi ni Helen Szoke ng Oxfam, na tinutukoy ang rehiyon ng halos 300,000 katao.

Nawawala pa rin ang daan-daang katao sa coastal city ng Palu na naghahanda para sa beach festival nang tumama ang 7.5magnitude na lindol nitong Biyernes.

Dose-dosena ang iniulat na nakakulong sa mga guho sa isang hotel at isang mall sa lungsod na hinampas ng mga higanteng alon na umaabot sa taas na anim na metro (20 feet) kasunod ng lindol.

Sinabi ni BNPB spokesman Sutopo Purwo Nugroho sa briefing sa Jakarta na napakalawa­k ng pinsala at libu-libong kabahayan ospital, shopping malls at hotels ang gumuho. Isang tulay ang tinangay ng alon at hindi madaanan ang main highway patungong Palu dahil sa a landslide.

“The tsunami didn’t come by itself, it dragged cars, logs, houses, it hit everything on land,” ani Nugroho, rumagasa ang tsunami sa bilis na 800 kph bago hinampas ang dalampasig­an.

Nakita sa satellite imagery ang matinding pinsala sa mga daungan sa ilang lugar. Nabalibag sa lupa ang malalaking barko, wasak ang mga tulay at nagkalat shipping containers. Nag-uumapaw ang mga pasyente sa ospital. Malawakan ang power blackouts. Nakalatag sa mga lansangan ang mga bangkay para madali silang makilala.

Nasira ang Palu airport ngunit muling nagbukas para sa limitadong biyahe kahapon.

PRISON BREAK

Mahigit kalahati ng 560 preso sa Palu ang nakatakas nang gumuho ang pader ng bilangguan sa lindol nitong Biyernes, ayon sa state news agency Antara.

“It was very hard for the guards to stop the inmates from running away as they were so panicked and had to save themselves too,” sinabi ni warden Adhi Yan Ricoh sa Antara.

Mahigit isandaang bilanggo pa ang nakatakas mula sa kulungan sa Donggala.

WALANG PINOY Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na namatay o nasugatan sa lindol at tsunami sa Indonesia kasabay ng pagpaabot ng pakikirama­y ng gobyenro ng Pilipinas.

“We grieve with our Indonesian brothers and sisters and stand hand in hand with them in praying for all of those who lost their lives in this tragedy,” pahayag ni DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Sinabi niya na handa ang Pilipinas na umayuda. “The Philippine­s is ready to respond and extend assistance to Indonesia.”

Tiniyak ni Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong T. Wee na ligtas ang nag-iisang Pinoy sa lugar, na nagsisilbi sa kanyang sentensiya sa Lapas Penitentia­ry.

 ?? AP ?? SINASAGIP ng Indonesian rescue team ang babae kasunod ng mga lindol at tsunami sa Palu, Central Sulawesi, Indonesia, kahapon. Libu-libo ang pinanganga­mbahang namatay sa dobleng kalamidad.
AP SINASAGIP ng Indonesian rescue team ang babae kasunod ng mga lindol at tsunami sa Palu, Central Sulawesi, Indonesia, kahapon. Libu-libo ang pinanganga­mbahang namatay sa dobleng kalamidad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines