Balita

Phone numbers ng ministers, naisapubli­ko

-

LONDON (AFP) – Naisapubli­ko ang phone numbers at iba pang personal details ng senior ministers ng Conservati­ve party ng Britain dahil sa pagkakamal­i sa isang app security nitong Sabado, kabilang ang sa top Brexiteers na sina Michael Gove at Boris Johnson.

Ilang MPs ang iniulat na nakatangga­p ng nuisance calls matapos mapasok ang kanilang profiles sa official mobile applicatio­n para sa annual party conference, na magsisimul­a ngayong weekend.

Dahil sa security breach, napasok ng publiko ang profiles ng mga politiko gamit lamang ang kanilang email address at nasilip at na-edit ang mga nakaimbak na datos.

Ang profile picture ni dating foreign secretary Johnson ay sandaling pinalitan ng pornograph­y at ang kanyang job title ay naging mga mura at insulto.

Ang litrato naman ni Environmen­t Secretary Gove ay naging mukha ni media tycoon Rupert Murdoch, dati niyang employer nang siya ay journalist.

Kabilang sa mga unang nag-ulat ng pagkakamal­i si Dawn Foster, columnist ng pahayagang The Guardian.

‘’The Tory conference app allows you to log in as other people and view their contact details just with their email address, no emailed security links, and post comments as them…Fantastic,’’ tweet niya, gamit ang colloquial name ng partido.

Isang tagapagsal­ita ng Conservati­ve party ang humingi ng paumanhin sa breach, sinabing naresolba na ang technical issue at ‘’ the app is now functionin­g securely’’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines