Balita

1 utas, 3 huli sa buy-bust

- Orly L. Barcala

Patay ang isang drug suspect nang manlaban umano sa mga pulis habang nadakip naman ang tatlo nitong kasamahan sa buybust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapata­n ng lunas sa Valenzuela City Medical Center ang suspek na si Joel Domingo, 39, ng No. 6042 Benito Hao Street Mapulang Lupa ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng cal. 45 sa katawan.

Pagkatapos ng barilan, naaresto ang mga kasamahan ng suspek na sina Jocelyn Etang, 35; Cesario Pablo, 42; at Maila Mendoza, 48.

Sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) at ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa lugar ni Domingo, dakong 9:10 ng gabi.

Isa sa mga pulis ang nagsilbing poseur-buyer ng P3,000 shabu sa suspek.

Nakahalata umano si Domingo na pulis ang kanyang katransaks­iyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputuka­n ang pulis, ngunit pumalya ang baril.

Dahil dito, binaril ng mga pulis ang suspek na duguang humandusay sa semento.

Makalipas ang ilang minuto, dinamba sa loob ng bahay ni Domingo ang tatlo niyang kasamahan na nakumpiska­han ng dalawang pakete ng umano’y shabu.

Narekober naman kay Domingo ang cal. 45, tatlong pakete ng umano’y shabu at 13 bala ng cal. 30.

Nahaharap ang mga inaresto sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines