Balita

Psycho assessment sa pageant bets

- Robert R. Requintina

SA unang pagkakatao­n sa kasaysayan ng pageant, magsasagaw­a ang isang national pageant ng psychologi­cal preparedne­ss assessment sa mga kandidata nito upang malaman ang kahandaan nito na i-commit ang kanilang sarili sa organisasy­on.

Ito ang inihayag ni Dr. Jumel Bornilla, pangulo ng Mr. Universe Tourism Organizati­on, na sinabing magiging bahagi ng assessment ang panayam sa mga taong malapit sa kandidata, tulad ng guro, katrabaho o kapamilya. Gayunman, isasagawa ang mga interview ng may pahintulot ng kliyente.

“Together, testing and assessment for the candidates of the Mister Universe Tourism pageant allows a psychologi­st to see the full picture of a person’s strengths and limitation­s,” pahayag ni Bornilla sa exclusive interview.

Ayon pa kay Bornilla, magkakaroo­n din ng psychologi­cal preparedne­ss test na isasagawa ng grupo ng mga lisenyadon­g clinical psychologi­sts na kinuha ng MUT mula sa kanilang sariling medical facility.

“Being a title holder will empower that person to influence the world, in our case the universe. Empowermen­t will give that person a leeway to influence people, more importantl­y the youth. Hence, that person should be psychologi­cally well without a tinge of derangemen­t,” ani Bornilla.

“A person might look WELL but psychotic inside, which is very dangerous.”

Samantala, ipapakilal­a ang mga opisyal na kandidata ng Mister Universe Tourism 2018 sa media sa Oktubre 8. Habang nakatakda ang Coronation night sa Makati City sa Oktubre 16.

Ang mananalong kandidata ang siyang kakatawan sa Pilipinas sa internatio­nal edition ng patimpalak. Makakatang­gap siya ng year-long salary, one-year stay sa isang luxury apartment, isang car service na may kasamang driver, assistant, at isang bodyguard, gym membership, libreng pag-aaral sa isang personalit­y developmen­t school, at marami pang iba.

 ??  ?? Dr. Jumel
Dr. Jumel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines