Balita

Ariana desperadon­g mag-tour

KAHIT DUMADANAS NG ANXIETY

-

DESPERADO ang American singer na si Ariana Grande na makapag-tour, sa kabila ng kanyang pangamba na malayo sa kanyang bahay, iniulat ng Cover Media.

Una nang ibinahagi ng 25-anyos na singer na dumadanas siya ng anxiety at post-traumatic stress disorder (PTSD) matapos ang insidente ng terror attack sa kanyang show sa Manchester Arena noong Mayo ng nakaraang taon, kung saan 22 katao ang nasawi habang mahigit 500 ang nasugatan.

Nitong Biyernes, ipinaliwan­ag ng God is a Woman hitmaker ang kanyang pinagdadaa­nan sa mga fans sa kanyang Twitter, kung saan niya inamin ang kagusuhan na magkapag-tour ngunit natatakot pa rin siya na malayo sa kanyang tahanan sa Amerika.

“I’m antsy. Can’t sit still. I wanna tour now. Yesterday i just wanted to sit home forever but today I wanna do show and see u. It’s all v (very) up n down rn (right now). But hi. ily (I love you). I am working on it. I’ll keep ya posted (sic),” tugon ni Ariana sa isang fans na nagpayo sa kanya to “take some much-needed time off to heal.”

Habang maraming tagahanga ng singer ang excited nang marinig ang balita tungkol sa kanyang tour, isa sa kanyang mga follower ang pahayag ng pangamba sa singer na ituloy ang tour “and then regret it”.

“I’d never regret it. My happiest moments are with y’all and on stage and stuff. I think it’s just the looooooong chunks of time away from home that are scary to me rn (right now). Hi, I’m being too honest and people r gonna tear me apart but idc (I don’t care) anymore. lol (laugh out loud),” sagot ni Ariana.

Kasunod nito’y ibinahagi niya sa kanyang fans na ikinokonsi­dera niya na magkaroon ng isang “mini tour” bilang kapalit.

“I just love and miss you. everybody telling me i need to take time but I’m so antsy. idk (I don’t know). ily (I love you),”dagdag pa ni Ariana.

Naging mabigat para sa award-winning singer ang mga nagdaang linggo, matapos ang pagpanaw ng kanyang dating boyfriend na si Mac Miller, dahil sa umano’y overdose nitong Setyembre 7.

 ??  ?? Ariana
Ariana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines