Balita

Kanye West, nagpalit ng pangalan

-

Bye bye, Kanye West. Say hello to YE.

Ilang oras bago ang kanyang pagtatangh­al sa Season 44 premiere ng Saturday Night Live, at paglalabas ng kanyang album, inihayag ng 41-anyos na rapper sa Twitter nitong Sabado na papalitan na niya kanyang profession­al name sa YE.

“The being formally [sic] known as Kanye West. I am YE,” tweet ng singer.

Sa ulat ng Entertainm­ent Tonight, hindi lamang si Kanye ang unang musician na nagpalit ng pangalan sa industriya. Sina Prince, Diddy at

Snoop Dogg ay ilan lamang sa mga artist na nagdesisyo­ng i-rebrand ang kanilang sarili.

Ngunit para sa asawa ni Kim Kardashian, ang pangalang YE ay “pretty special.” Matagal nang nickname ng rapper ang bagong monicker, na nagamit na rin niya sa kanyang huling album. “I believe YE is the most commonly used word in the Bible,” pahayag niya sa Real 92.3’s Big Boy para sa promotion ng kanyang kanta nitong Hunyo. “In the Bible it means ‘you.’ So I’m you, I’m us. It went from being Kanye, which means the only one, to being just YE -- just being a reflection of our good, our bad, our confused, everything. I’m just more a reflection of who we are.”

Mabilis namang napansin ng mga fans ang pagpapalit ng kanyang pangalan sa isa sa kanyang mga kanta na Yandi, kung saan mapapansin ang lyrics na, “I’m givin’ up my slave name / I’m givin’ up my slave name.”

Nitong Sabado ng gabi inilabas ni Ye ang kanyang bagong album na Yandi.

 ??  ?? YE
YE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines