Balita

E-Sports, nasa pangangasi­wa ng GAB

- Ni EDWIN ROLLON

PATULOY ang paglaganap ng e-Sports sa bansa at kapakipaki­nabang na ang pinakabago­ng kinahuhuma­lingang sports sa kaban ng bayan.

Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, bukod sa licensing sa torneo at sa mga players, kumikita ang pamahalaan sa e-Sports dahil sa tax na binabayan nito sa itinatakda­ng prize money.

“e-Sports is now one of the sports sanctioned and supervised by GAB. Nakatutuwa­ng isipin na sa prize money nila na umaabot ng milyon, kumikita ang pamahalaan sa tax,” pahayag ni Mitra sa media forum sa mga miyembro ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS).

Aniya, sa buwan lamang ng Setyember dalawang malaking e-sports event ang gaganapin sa bansa which offers million of prizes. Minsan pa dolyar ang premyo nila,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressma­n.

Nitong weekend, isinagawa ang Arena of Valor Cup Season 3 Grand Finals: Road to Arena of Valor (AOV) Internatio­nal Championsh­ip at Cross

Fire Elite Season 2 sa

High Grounds Café, Tomas Morato, Quezon City.

Ang AOV Internatio­nal Championsh­ip ay nilahukan ng dalawang koponan mula sa Pilipinas – MaxiBox Gaming at Bren Sports – kontra sa Singapore, Thailand at Malaysia. Ang magwawagi ay sasalang sa AOV Internatio­nal Championsh­ip sa Singapore.

Limang koponan naman ang naglaban-laban sa Cross Fire Elite.

‘e-Sports is so popular for the millennial. At sa dami ng mga naglalaro, talagang lumalawak ang community ng mga players. We heard that several Schools are now offering courses related in e-sports,” pahayag ni Mitra.

Kamakailan, nilagdaan ni Mitra at GAB Commission­ers Atty. Eduard Trinidad at Mar Masanguid ang resolusyon para tanggapin ang e-sports bilang profession­al sports sa bansa.

“Sa ganitong paraan, masisiguro natin na mabibigyan ng pamahalaan ng proteskyon ang sports at mga atleta nito kabilang na ang promosyon sa responsibl­e gaming,” sambit ni Mitra.

 ??  ?? Mitra
Mitra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines