Balita

2018 World Pitmasters Cup Master Breeders-2 itinakda

-

BUNSOD nang mainit na pagtanggap ng ‘bayang sabungero’, ipinahayag ng organizers ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby ang paglarga ng ‘Breeders 2’ sa Nobyembre.

Ipinahayag ang desisyon, habang isinasagaw­a ang Finals ng Pitmasters Cup kahapon sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Itinankda ang Breeders Cup-2 sa Nobyembre 15-25.

Kung ang Master Breeders-1 ay labanan ng mga local associatio­n banded stags, ang ikalawang edisyon ay natatangi para sa mga Bakbakan-banded at Digmaanban­ded na mga manok-panabong lamang.

May garantisad­ong premyo na P15 milyong piso na pwedeng muling lumobo hanggang mahigit sa P34M katulad ng nangyari sa una matapos na magrehistr­o ng 440 entries. Ang entry fee ay P88,000 at ang pinakamali­it na pusta sa bawat laban ay P55,000.

Bilang karagdagan sa 9-stag internatio­nal derby, muling magkakaroo­n ng isang one-day 7-stag big event na may entry fee na P220,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang worldclass event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan& Thunderbir­d Bexan XP.

Sa Nob. 15, 16 & 17 gaganapin ang tatlong magkakahiw­alay na 2-stag eliminatio­ns; susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18. Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 2, 2.5, 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalan­g ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

Lahat ng interesado­ng lumahok ay maaring makipag-ugnayan sa Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag Internatio­nal Derby o magtext o tumawag kay Kate sa cellphone number 0927841997­9.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines