Balita

DND, AFP ginisa sa national security

- Bert De Guzman at Leonel M. Abasola

Humarap sa Kamara nitong Lunes sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez para depensahan ang hinihiling na P250 bilyon budget sa 2019 ng Department of National Defense (DND).

Ginisa ng mga mambabatas sina Lorenzana at Galvez tungkol sa isyu ng pambansang seguridad at banta ng terorismo sa plenaryo na tumagal hanggang madaling araw.

Sa interpelas­yon, inusisa nina Committee on Appropriat­ions Vice Chairman Rep. Rozanno Rufino Biazon (Lone District, Muntinlupa City), House Minority Leader Danilo Suarez at Rep. Carlos Isagani Zarate (Party-list, Bayan Muna) ang dalawa tungkol sa kakayahan ng DND at Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na protektaha­n ang bansa laban sa terorismo.

Binanggit ni Zarate na iniulat kamakailan sa mga pahayagan sa Washington na maraming madirigma ng Islamic State (ISIS) ang tumatakas sa Syria at Iraq at pabalik sa Mindanao.

“May we know now what is the situation or status as far as threats coming from this group is concerned, not only in Mindanao but in the entire country,” tanong ni Zarate.

Sa pagdinig naman sa Senado, sinabi ng DND na hindi sapat ang kanilang pondo para makabili ng mga makabagong kagamitan upang maipagtang­gol ang bansa at matiyak ang seguridad.

Sa pagtatanon­g ni Senador Panfilo Lacson sa budget hearing, sinabi ni Lorenzana na mayron na silang mga plano para magbuo ng Cyber Group, pero hindi pa ito inaaprubah­an ng Department of Budget and Management (DBM).

Aniya, P23.328 milyon ang kailangan para maisulong ang AFP ang Cyberspace Simulation Center.

“We are in an age of biotechnol­ogy and artificial intelligen­ce. We should be looking at control of the airwaves and cyberspace,” suhestiyon ni Lacson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines