Balita

Spa manager tiklo sa pamba-blackmail

- Jel Santos

Isang spa manager, na umano’y nagbanta sa isang menor de edad na ipo-post ang kanilang sex video on social media, ang inaresto sa entrapment operation sa Marikina City nitong Lunes, base sa naantalang ulat.

Dinakip ng mga pulis si Charles Morrison, 43, sa Barangka, Marikina City, sa ganap na 4:30 ng hapon.

Base sa ulat, tumakas ang suspek sakay sa itim na Honda City (ZAU89).

Makalipas ang ilang minuto, siya ay nakorner ng mga pulis malapit sa panulukan ng Marikina City at Quezon City.

Nasamsam sa loob ng naturang sasakyan ay dalawang sex toys, limang piraso ng lubricants, isang pakete ng umano’y shabu, improvised tooter, at iba pang drug parapherna­lia.

Ayon kay Chief Insp. Benigno Meneses, Eastern Police DistrictCr­iminal Investigat­ion and Detection Group (EPD-CIDG) head, nagtungo ang 14-anyos na biktima at ama nito sa pulisya upang i-report ang banta ni Morrison noong Setyembre 27.

Sa affidavit ng biktima, sinabi nito na pinilit siyang dalhin ni Morrison sa isang motel sa Pasig City noong Setyembre 25. At doon na umano inabuso ng suspek ang biktima.

Ang kaklase ng biktima ang nagpakilal­a rito kay Morrison, ayon kay Meneses.

Ayon sa biktima, pinadalhan siya ni Morrison ng text messages isang araw matapos ang insidente, at hiniling na muli silang magkita. Ngunit, tumanggi ang dalaga, kaya binantaan umano siya ng suspek.

Pumayag ang biktima na muling makipagkit­a kay Morrison. Sa pagkakatao­ng ito, sa Riverbanks Mall sa Marikina. Hindi batid ng suspek na nakipag-ugnayan na ang biktima sa mga pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines