Balita

Waitress kinatay ng customer

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang waitress nang pagsasaksa­kin ng kostumer na nagalit nang tanggihan nito ang alok na lumabas, habang kritikal naman ang kanilang kahera nang tarakan din ng suspek matapos na umawat sa krimen sa isang KTV bar sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Dead on the spot si Anecita Sialongo, 41, waitress, habang under observatio­n sa ospital si Celia Tamayo, senior citizen, kapwa nagtatraba­ho sa isang KTV bar na matatagpua­n sa Juan Luna Street sa Tondo.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Robert Nocos, nasa hustong gulang, ng P. Herrera St., sa Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), na pinamumunu­an ni Police Chief Insp. Rommel Anicete, naganap ang krimen sa loob ng pinagtatra­bahuhang bar ng mga biktima, pasado 9:00 ng gabi.

Sa salaysay ng isang waitress na nakasaksi sa krimen, pumasok sa bar ang suspek at nang makainom ay inalok si Sialongo na sumama sa kanya sa labas.

Tinanggiha­n umano ng biktima ang alok ng suspek, na ikinagalit nito at dali-daling lumabas sa KTV bar.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang suspek na armado na ng kutsilyo at apat na beses na pinagsasak­sak ang biktima.

Sinubukan ni Tamayo na awatin si Nocos, ngunit pati siya ay pinagsasak­sak.

Agad na tumakas si Nocos at umano’y nagpakalbo pa upang hindi makilala ng mga pulis ngunit nadakip rin sa follow-up operation.

Mariin nitong itinanggi ang krimen at sinabing natutulog lang siya sa kanyang bahay nang hulihin ng mga pulis.

Sasampahan si Nocos ng mga kasong homicide at frustrated homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines