Balita

11 undocument­ed Indonesian­s, nalambat

- Martin A. Sadongdong

Labing-isangundoc­umentedInd­onesians na ilegal na pumasok sa bansa ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa Sarangani, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Chief Supt. Eliseo Rasco, regional director ng Soccsksarg­en Police Regional Office (PRO-12), ang mga inaresto na sina Harjono Makalisang, 30; Jeynes Ambalao, 34; Jamudin Sarapil Pangumpia, 36; Donni Riksmen Sitompul, 38; Karlos Sasahi, 47; Kostan Tumei Manake, 47; Oscar Tempomona Masoa, 47; Marthin Batasina, 51; Marcos Bastian, 52; Sapar Haribae Maulana, 53; at Tara Hengkeng Legesang, 59, pawang mula sa Sulawesi, Indonesia.

Ayon kay Rasco, inaresto ang mga Indonesian­s ng pinagsanib na puwersa ng Sarangani Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligen­ce Branch at Glan Municipal Police Station, sa pakikipagt­ulungan sa Bureau of Immigratio­n (BI) sa Sitio Calanasan, Barangay Taluya, Glan, Sarangani, dakong 9:00 ng gabi.

Naganap ang pag-aresto ilang oras matapos na mag-courtesy visit ang isang grupo ng mga pulis mula sa Indonesia North Sulawesi Regional Police (NSRP), sa pamumuno ni Senior Supt. H. Yohanes Soehartono S.I.K., hepe ng operations of NSRP, sa PRO-12, nitong Martes ng madaling araw.

Kabilang sa mga tinalakay, ayon kay Rasco, ay ang isyu ng mga hindi dokumentad­ong Indonesian­s na nakatira sa Pilipinas.

Isiniwalat ng PRO-12 chief na ang mga Indonesian­s ay ilegal na namamalagi sa bansa ng mahigit isang linggo matapos ang pagaresto.

Dumating ang grupo sa bansa nitong Setyembre 23, 2018 ngunit nabatid ng awtoridad na hindi sumailalim sa tamang dokumentas­yon ang mga ito.

Kinumpirma ni Joyce Kandice Villaraza, Alien Control Officer mula sa BI-Sarangani, na ang mga dayuhan ay hindi dokumentad­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines