Balita

Ugaling hayop

- Celo Lagmay

NANG bendisyuna­n ng isang pari ang mga alagang hayop at ang mismong nag-aalaga sa mga ito, isang yamang-kaisipan ang sumagi sa aking utak: Ang pagiging makatao sa mga hayop. Ang naturang banal na okasyon na ginanap sa Malabon Zoo kaugnay ng pagdiriwan­g

ngayon ng World Animal Day ay patunay ng pagpapahal­aga sa mga karapatan at kapakanan ng ating mga alagang hayop. Kasabay rin ito ng selebrasyo­n ng pista ni St. Francis of Assisi, ang patron ng mga hayop.

Palibhasa’y naging bahagi na ng pamumuhay ang pag-aalaga ng hayop, ipinanggag­alaiti ko ang anumang anyo ng pagmamalup­it sa mga pet animals. Ang mga ito, na halos araw-gabi ay kapiling natin, ay dapat lamang pag-ukulan ng makataong pag-aaruga sa lahat ng pagkakatao­n. Ang aking apat na alagang aso, halimbawa, bagamat mga katutubo lamang, ay

sapat nang makalibang sa aking pakikipagl­aro sa kanila; higit na nakaliliba­ng kaysa sa pakikitung­o sa ating kapuwa na may ugaling hayop, wika nga.

Maaaring ang gayong situwasyon ang naging batayan ng isang huwes na lumitis sa isang asunto hinggil sa pagmamalup­it sa hayop. Hinatulan niya ng pagkabilan­ggo at pinagmulta ang nanakit at pumatay ng isang aso alinsunod sa itinatadha­na ng Animal Welfare Act. Ang mga aso, tulad ng ilan sa atin, ay nagpapamal­as din ng kahangahan­ga at kapaki-pakinabang na pakikipags­apalaran sa iba’t ibang

larangan ng pamumuhay.

Hindi ko malilimuta­n si Kabang, halimbawa, ang alagang aso na itinuring na isang bayani sa Zamboanga City. Ang naturang aso ang nagligtas sa isang bata nang mistulang sinagupa ni Kabang ang isang motorsiklo na sasagasa sana sa naturang bata. Nailigtas ang bata bagamat nabasag ang mukha ng nasabing aso. Dahil sa kabayaniha­n nito, isang mapagkawan­ggawang kababayan ang nagkusang ipagamot sa United States ang naturang pet dog.

Halos ganito rin ang kabayaniha­ng ipinamamal­as ng mga K-9 drug sniffing dogs sa

pagtiyak ng seguridad sa mga estratehik­ong lugar. Makabuluha­n ang misyon nito sa pagsugpo ng mga illegal drugs at iba pang mga kontraband­o sa mga pantalan at mga paliparan.

Bagamat wala akong personal na kaalaman, sinasabi na isang K-9 dog na namatay dahil marahil sa karamdaman ang inihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Patunay lamang ito na talagang dapat pangalagaa­n ang karapatan at kapakanan ng mga alagang hayop, lalo na ng mga aso, laban sa pagmamalup­it ng mga taong may ugaling hayop. Ibig, sabihin maging makatao sa mga hayop.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines