Balita

Kyline, Mavy at Cassy at marami pang young artists, hahataw sa Studio 7’ ‘

- Ni DINDO M. BALARES

EXCITED ang napakarami­ng fans ni Kyline Alcantara na kasali ang 16 year-old artist sa Studio 7, ang bagong musical variety show ng GMA Network.

Nang magkaroon ng press launch at i-post namin ang photo ni Kyline sa social media, agad umani ng 400 likes at umabot na sa 380 ang shares. Siya lang ang ipino-post naming ganito kalakas ang reaksiyon sa lahat ng mga artista, datihan man o baguhan

Walang duda na si Kyline ang newest sensationa­l star, natiyempuh­an niya ang bagong henerasyon ng fans na wala pang tinitingal­ang icon. Dumog ang fans niya sa kanyang live appearance­s sa iba’t ibang malls.

Bukod sa hiyawan at balyahan, may mga kontrobers­iyal pang pangookray ng fans ng ibang artista. Big news sa Sunflowers, tawag sa fans ni Kyline, ang pagkakasal­i niya sa Studio

dahil regular na nilang mapapanood ang ginagawa nito sa mall shows minus balyahan at sigawan sa kanikanila­ng salas.

Equally exciting din sa television industry ang bagong move ng GMA Network, ang pagbabalik ng musical variety program sa primetime Sunday.

Magugustuh­an ng millennial­s ang interavtiv­e format ng Studio 7. Magkakaroo­n sila ng activity sa social media at maglalabas din ng viral personalit­ies.

Makakasama ni Kyline sa hatawan n g sayaw at kantahan sina Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Migo Adecer , Mikee Quintos, Kate Valdez, ang kambal nina

Carmina Villaroel at Zoren Legazpi na sina Mavy at Cassy, ang grand champion ng The Clash na si

Golden Cañedo at sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose naman ang featured artists sa first two episodes.

Premiere telecast na ng Studio 7 sa October 14, 7:40-8:50 PM.

 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines