Balita

SMAC artists bida sa teleserye ng NET25

- Reggee Bonoan

SA launching ng mga bagong programa ng Social Media Artist and Celebritie­s (SMAC) Television Production na kilalang online network sa loob ng limang taon, ay masaya nilang ibinalita ang tie-up nila sa Net25 simula sa Oktubre 7, Linggo. Sa madaling salita, sasabak na rin ang Eagle Broadcasti­ng Corporatio­n sa teleserye.

Nakilala ang SMAC na tumutulong sa mga nangangail­angan sa pamamagita­n ng Gawad Kabataan Pilipinas, isang charity program na sinimulan noong Hulyo 2014 bilang non-profit and volunteer involvemen­t.

Marami na ring media exposures ang SMAC talents na kilala online gaya nina Justin Lee at

Mateo San Juan na Gawad Kabataan Youth Ambassador­s, sa Net 25, Good Morning Pilipinas ng PTV 4 at nakapanaya­m na rin sila sa DZRH Showbiz Tsismis Live.

Going back to Net 25, sa kanilang mga upcoming TV program ay mapapanood ang Korean inspired teleserye na Prodigal Prince simula sa Linggo, Oktubre 7 (7:00PM – 7:30PM), na pagbibidah­an nina

VMiguel Gonzales, Justin Lee, Mateo San Juan at Isaiah Tiglao bilang sina Prince Reymund, Alfred, Joey, at Arthur.

Kabilang din sa cast sina Rish Ramos, JB Paguio, Irene Solevilla, Angelia Orna, Laurie Jewell, Nenita Deonosa, Lorenzo Santiago, Nemer Alhammdan, Leira De Guzman, MJ Tuiroc, Gwen Tuason, Rosh Barman, Alija Tiglao, Zyha Castro, Drake Ventenilla, at iba pa.

Base sa kuwento ng direktor nilang si IJ

Fernandez, inspired ang Prodigal Prince sa Korean novela dahil sa mga costume na ginamit ng buong cast at orihinal ang kuwento nito.

“Mga Korean na nakatira sa Pilipinas o tinawag na Agbaria. Tatalakayi­n ng kuwento ang tungkol sa pagmamahal­an, leadership, revenge, at pagpapataw­ad among the Prince. Magkakapat­id po kasi silang apat dito,” sabi ni Direk IJ. Sa Batangas daw ang location shoot ng Prodigal

Prince na sa kuwento ng PR head ng SMAC na si katotong John Fontanilla, ay gumawa sila ng malaking studio roon para gamitin sa taping. Susundan naman ito ng reality show na Galing

ng Pinoy (7:30PM – 8:00PM) na ang host ay sina Mateo San Juan at Justin Lee.

Interesado kaming panoorin ang Galing ng Pinoy dahil ayon sa SMAC direktor uling si IJ ay ibabalik nila ang mga usong palaro noong araw.

“Hindi po ito usual reality show na napapanood ngayon. Since galing Pinoy po ay mapapanood halimbawa ang pagalingan­g manghuli ng baboy na may langis. Hindi po ba mahirap hulihin kapag may langis kasi madulas. Isa lang po ‘yan sa mga ipapakita namin,” kuwento ni direk IJ.

Sa pagre-research namin ng mga traditiona­l palarong Pinoy, puwedeng nilang isama sa challenges pagalingan sa bulong-pari, lawin at sisiw, palosebo, sipa, at marami pang iba. Ipakikita rin dito ang mga magagandan­g lugar sa Pilipinas.

Ang magwawagi sa Galing ng Pinoy ay maguuwi ng P200,000 cash at P100,000 worth ng management contract at SMAC contract artist na. Kasunod nito ang entertainm­ent show na Bee

Happy Go Lucky (8:00PM – 9:00 PM) na mala-That’s Entertainm­ent ang peg.

Kinalakiha­n ang That’s Entertainm­ent ng mga nagsisikat­an nang talents ngayon, habang ang iba naman ay nagbago na ng karera.

Hindi naman nalalayo ang Bee Happy Go Lucky sa talent show na pinasikat ni Kuya Germs Moreno

(SLN) dahil may mini-competitio­ns din or show-off para ipakita ang galing nila sa larangan ng pagkanta, pagsayaw, pagpapataw­a, drama, at iba pa. Ang mga kasama sa show ay sina Klinton,

Leslie, Ron, Irene, JB, Ryantha, Isaiah, Angela, VMiguel, Rish, at sina Kikay at Mikay.

Kaya sa araw ng Linggo ay tatlong programa ang aabangan ng SMAC supporters sa NET25.

Samantala, umaasa naman ang halos lahat ng mga pangalang nabanggit na artist ng SMAC na mapanood ang shows nila at mapansin nationwide, maging worldwide.

Ang nakakatuwa, nang tanungin ang mga SMAC artist kung saang network nila gustong mapabilang bukod sa NET25 ay mas lamang ang gustong makapasok sa ABS-CBN dahil katwiran nu’ng iba, nasubukan na raw nilang magtrabaho roon as talents ng iba’t ibang teleserye at ‘yung iba ay naging guest na rin sa ASAP.

Loyal naman ang mga pumili sa GMA dahil dito raw sila unang nabigyan ng exposure.

Anyway, sa mga update ay maaring i-follow ang SMAC Television Production sa FB, @SMACTVP sa Instagram, SMAC Television Production sa Youtube at maari ring mag-email sa happylucky­tv@gmail. com o tumawag sa (02) 373- 4806.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines