Balita

Ruby Rose, ‘most dangerous’ celebrity para i-search online

- Reuters

ANG aktres at modelong si Ruby Rose, na kilala sa kanyang pagganap sa Orange

Is The New Black ng Netflix, ang tinagurian­g “most dangerous celebrity” na i-search online nitong Martes, dahil maaaring malantad ang fans sa malisyoson­g websites na may daladalang mga virus.

Inihayag ng cyber security company na McAfee na ang reality television star na si Kristin Cavallari ang sumunod sa kanya, habang ang mga aktres na sina Marion Cotillard, Lynda Carter at Rose Byrne ang bumuo sa top five celebritie­s na kapag sinearch ang pangalan online ay maaaring magdala sa fans sa mga kahina-hinalang link.

Si Ruby, 32, na inihayag na gaganap sa role ni Batwoman sa upcoming CW television series, ang nangunguna sa listahan, lahad ng kinatawan ng McAfee na si Gary Davis.

“So, whether you’re looking up what Ruby did on the latest Orange is the New Black episode, or what Kristin Cavallari wore (at) the latest awards show, make sure you’re searching the Internet safely,” lahad ni Gary.

Ang tinagurian­g most dangerous celebrity noong nakaraang taon na si Avril Lavigne, ay ika-30 ngayong taon, sabi ng McAfee. Si Adele ang highest ranked musician sa No. 21, na sinundan ni Shakira sa No. 27. Para masigurong ligtas ang paggamit ng internet, sinabi ni Gary na iwasan ng mga user na bisitahin ang mga third-party websites na naglalaman ng malware, maglagay ng operating system at applicatio­n updates na nagtatagla­y ng security fixes, mag-invest sa security protection tools at gumamit ng parental control software.

 ??  ?? Ruby
Ruby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines