Balita

Gabbi, kinukumbin­seng mag-beauty queen

- Nitz Miralles

MAGKASUNOD ang presscon ng Studio

7, ang bagong musical-variety show ng GMA-7, at ang dramedy na Pamilya Roces. Kasama si Gabbi Garcia sa parehong shows at sa dalawang presscon. At hindi naman binigo ni Gabbi ang entertainm­ent media dahil dumating siya in her best.

From gowns to make-up, perfect si Gabbi, at na-highlight ang kanyang ganda. Marami tuloy ang kumukumbin­se sa kanyang sumali sa beauty contest, dahil sayang daw ang ganda niya kung pangshowbi­z lang siya.

Pati nga si 2013 Miss World Megan Young ay napa-comment: “Gabbi parang korona na lang kulang hehehe”. Nag-post kasi si Gabbi ng photo niya sa presscon ng

Pamilya Roces suot ang green gown. Sumagot si Gabbi: “@meganbata ate megan!!! Omg kinilig naman ako dun hihihi.”

Nagandahan din kami sa gold gown na suot ni Gabbi sa presscon ng Studio 7.

Anyway, mauunang mag-pilot sa October 8, after ng Onanay, ang Pamilya

Roces. Sa serye, ginagampan­an ni Gabbi ang role ni Jade Roces, bunsong anak nina

Rodolfo Roces (Roi Vinzon) at Natalia

Roces (Gloria Diaz).

Sa October 14 naman ang pilot ng

Studio 7. Nang malaman na kasama siya sa cast ay nag-react kaagad si Gabbi.

“Sa wakas, makakakant­a na naman ako.”

In fairness to her, hindi lang maganda si Gabbi, maganda rin ang boses niya at marunong siyang tumugtog ng gitara.

“Masaya ako sa dalawang shows ko, dahil sa isa, aarte ako at sa isa, kakanta ako. Pareho kong gusto ang projects ko, ang sarap at masayang gawin,” sabi ni Gabbi.

 ??  ??
 ??  ?? Gabbi
Gabbi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines