Balita

13 bata nasagip sa recycling firm

- Jeffrey Damicog

Nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang 13 na menor de edad, na sapilitang pinagtraba­ho sa isang plastic recycling facility sa Cavite, kamakailan.

Sa pahayag ni NBI spokesman at Deputy Director Ferdinand Lavin, nailigtas ng mga tauhan ng NBIInterna­tional Operations Division ang 13 bata mula sa Ever Fortune Recycle Corporatio­n sa Carmona, nitong Martes.

Aniya, ang mga nasagip ay nasa edad 8-16.

Natimbog naman sa naturang operasyon ang mga opisyal ng kumpanya na sina Justin Co, manager; Marylou Olivay; Merrycar Bautista; at Vivian Pulia.

Nasa kustodiya na ng NBI ang apat matapos silang kasuhan ng paglabag sa RA 9206 na naamyendah­an ng RA 10364 (Expanded Anti-Traffickin­g in Persons Act of 2012) at RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitati­on and Discrimina­tion Act).

Nasa pangangala­ga na ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang mga nasagip na bata, ayon kay Lavin.

Sinalakay ang lugar batay na rin sa reklamo ng dalawang trabahador na sinibak ng kumpanya, matapos na madiskubre­ng nagreklamo sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa umano’y maliit na suweldo, walang benepisyo at hindi makataong lugar na pinagtatra­bahuhan ng mga ito.

“Consent is immaterial dahil ang pinagsmant­alahan dito ay menor de edad at vulnerable sector of society. Nawawalan na sila ng capacity to give consent dahil sa kanilang kahinaan,” dagdag pa ni Lavin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines