Balita

Pangalan ni Yang nilinis ng Malacañang

- Argyll Cyrus B. Geducos

Hindi sangkot sa droga ang Davaobased Chinese businessma­n na si Michael Yang.

Ito ang nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalum­pati niya sa Philippine Military Academy (PMA) alumni sa Malacañang nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Duterte ng nakatitiya­k siya na pag-aari ni Yang ang Davao City Los Amigos (DCLA) shopping center. Sinabi rin niya na ang kaugnayan ni Yang kina Chinese Ambassador to the Philippine­s Zhao Jinhua at Chinese Premier Le Keqiang ay patunay na hindi siya sangkot sa drug trade.

“Ito daw si isang Michael Yang na drug addict daw. Ang ambassador ng China diyan natutulog sa bahay niya. At saka kasama ‘yan doon sa entourage ni Premier of China,” aniya.

“Kasama-sama palagi ni Ambassador Zhao. Hindi mo rin maloko ‘yan military ‘yan eh. ‘Yang ambassador natin military ‘yan ng China. Kalokohan,” dugtong niya.

Sa press briefing nitong Biyernes, nilinis din ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ang pangalan nina Yang at Zhao kasunod ng mga ulat na pinag-ugnay ni Duterte ang dalawa.

“I think its very clear that what the President meant to say is that number 1, he cannot believe that Michael Yang is involved in the drug trade; and number 2, because he was saying he could not believe that Michael Yang is involved in the drug trade, the report that the President linked the Chinese Ambassador to a drug lord is obviously false,” ani Roque.

Ang tinutukoy ni Roque ay ang ulat na inilatahal­a ng Rappler, isang news agency na pinagbawal­ang pumasok sa Malacañang at mag-cover ng Presidenti­al events dahil diumano’y pag-aari ito ng mga banyaga.

Sinabi ng Palasyo na ang ulat ng Rappler ay mapanganib at maaaring makasira sa magandang relasyon ng Pilipinas at China.

Itinama na ng Rappler ang kanilang istorya kasunod ng paglilinaw ng Palasyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines