Balita

2 ‘gunrunner’ timbuwang sa transaksiy­on

- Mary Ann Santiago

Dalawang lalaki na hinihinala­ng kapwa miyembro ng gun running syndicate ang nasawi sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakil­anlan ng mga suspek, na ang isa ay kinilala lamang sa alyas na Buboy, nasa edad 35-40, mahaba ang buhok at 5’4” ang taas, katamtaman ang pangangata­wan.

Inilarawan naman ang isa pa na nasa 5’3” ang taas, nasa edad 40, at nakasuot ng face mask, asul na T-shirt, at puting shorts.

Sa ulat ng MPD, napatay ng mga tauhan ng Raxabago Police Station (PS-1) at Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG)-Manila ang mga suspek sa isang shootout sa Pacheco Street, malapit sa kanto ng Dela Fuente St., sa Tondo, dakong 2:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Police Chief Insp. Niño Briones, ng CIDG-Manila, nagkasa sila ng buy-bust operation at bumili ng .45 caliber na baril mula sa mga suspek, sa halagang P12,000, matapos na matukoy na nagbebenta ang mga ito ng baril sa Maynila, gayundin sa mga area ng Caloocan, Malabon at Navotas, dakong 1:45 ng madaling araw.

Nakipagkit­a ang mga suspek sa mga pulis sa Herbosa St., kanto ng C.P. Garcia St., sa Tondo.

Gayunman, bago pa man maisagawa ang transaksiy­on ay nakahalata umano ang mga suspek na mga pulis ang kanilang katransaks­iyon kaya nagpaputok ng baril sa awtoridad habang tumatakas.

Pagsapit sa Pacheco St., nakorner ng mga pulis ang mga suspek ngunit sa halip na sumuko ay muli umanong nagpaputok ng baril ang mga ito.

Gumanti ng putok ang awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Narekober sa operasyon ang tatlong iba’t ibang uri ng baril, mga basyo ng bala, mga pakete ng hinihinala­ng shabu, at isang motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines