Balita

Gurong pasimuno ng pag-aaklas, kakasuhan

- Fer Taboy at Mary Ann Santiago

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na aarestuhin at kakasuhan ang mga faculty members at instructor­s na mapatutuna­yang nanghihika­yat sa mga estudyante na mag-aklas laban sa gobyerno.

Kasabay nito, bina-validate na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang impormasyo­n ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na 18 eskuwelaha­n sa Metro Manila ang may ongoing recruitmen­t sa mga estudyante upang sumali sa tinawag ng militar na “Red October” plot.

Sinabi ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde na hindi naman kaila na may mga faculty members na pinasusuwe­ldo ng gobyerno ang kabilang sa mga pangunahin­g kritiko ng pamahalaan.

“What we are going to do. We will coordinate with them. Ang approach natin dito is kung ano ang maitulong namin, ng gobyerno, lalo na kung sa mga bata na magkaroon ng malawakan ‘yung kanilang pag-iisip, kanilang understand­ing, knowledge on what is really happening and what really need,” ani Albayalde.

Sa kabilang dako, wala namang listahan ang NCRPO ng mga eskuwelaha­ng pinasok na ng Communist Party of the Philippine­s-New People’s Army (CPP-NPA) para sa recruitmen­t.

Gayunman, sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na sakaling ma-validate nila ang nasabing impormasyo­n ay magkakaroo­n sila ng case build-up para kasuhan ang mga nanghihika­yat ng pag-aaklas.

Kasabay nito, sinabi ni Bro. Armin Luistro dating kalihim ng Department of Education (DepEd) at pangulo ng De La Salle University, na magdudulot lang ng takot at pangamba sa publiko, partikular sa mga magulang at mga estudyante, ang listahang inilabas ng AFP.

“Ang ginagawa naman usually kapag ganiyan, meron kang mga lider sa mga pamantasan, ‘di ba kinakausap mo kaagad ‘yung mga pamunuan niyan?” sinabi ni Luistro sa panayam ng Radio Veritas. “I’m sure the university officials are very willing to listen to those. Kung ilalabas (sa media), anong magagawa n’yan kung meron kang impormasyo­n lalo na’t unverified, tapos ilalabas mo sa media, ano ‘yun para panakot lang?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines