Balita

Istilong Marcos

- Ric Valmonte

PALIHIM nang pinasok ng Communist Party of the Philippine­s (CPP) at New People’s Army (NPA) ang 18 eskuwelaha­n sa Metro Manila, kabilang dito ang De La Salle University (DSLU) at Ateneo de Manila University, ayon kay Brig. Gen. Antonio Parlade, Jr., assistant chief of staff for operations ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Nangangala­p, aniya, ng mga tauhan ang mga ito para sumama

sa kanila sa planong patalsikin si Pangulong Duterte. Ang layunin daw ay magtatag ng diktadura ala Khmer Rouge ng Cambodia, na pumatay ng milyun-milyong tao. “Bagamat hindi ito bago at alam naman ito ng lahat baka hindi alam ng mga opisyal ng eskuwelaha­n na ang CPP ang nasa likod ng recruitmen­t para sa kilusang ibagsak si Duterte,” sabi pa niya. Nagpapalab­as pa raw ng pelikula hinggil sa mga abuso sa karapatang pantao sa ilalim ni dating Pangulong Marcos, para ibuyo ang mga estudyante na magalsa laban sa gobyerno, at buhayin ang First Quarter Storm (FQS) habang ipinalalab­as na si Pangulong Duterte ay ang bagong Marcos. Ang FQS ay ang unang tatlong buwan ng 1970 nang magsagawa ng

napakalaki­ng demonstras­yon ang mga kabataan at mag-aaral laban sa pagiging diktador ni Marcos.

Nakikita na ng militar ang umano’y pulahan sa ginagawang pagkilos ng mga mag-aaral at kabataan. Hindi na kasi sila nanahimik. Ang mga estudyante aktibong nakikialam na sa mga nangyayari sa ating bansa. Kinukumbin­se silang maging kasapi ng CPP at binubuyong sumama sa kilusang magpapatal­sik kay Duterte, ayon sa militar. Pero, pinabulaan­an ng mga mag-aaral ang bintang na ito sa kanila. Sarili umano silang kumikilos at walang komunistan­g nag-uudyok sa kanila. Bakit hindi kayang gawin ng mga kabataan at mag-aaral ang kanilang ginagawa ngayon? Laman na sila ng paaralan, laman pa sila ng kalye. Bukod

dito, hindi lang nila nasasaksih­an ang nagaganap sa ating bansa kundi nararamdam­an nila ang sakit ng pagiging biktima. Walang pinipiling biktima ang kahirapan, kagutuman at kawalan ng katarungan. Ang mga nakaririwa­sa at naliligaya­han ngayon ay iyong mga taong pinakikina­bangan ang posisyong ipinagkati­wala sa kanila ng mamamayan at nagtatamas­a sa kaban ng bayan.

Bakit hindi mag-aaklas ang mga kabataan at mag-aaral laban sa administra­syong Duterte? Sa tuwing magsasalit­a ang Pangulo ay hindi nila maringgan ng mga remedyo ang lumalang problema ng bayan na lalong nagpapahir­ap sa mga mahirap nang sektor ng lipunan. Wala kang marinig sa Pangulo na panglapat sa walang tigil na pagtaas

ng presyo ng mga produktong petrolyo, na nagbubunso­d ng pagtaas ng presyo ng lahat ng pangunahin­g bilihin at serbisyo. May bukbok na nga ang bigas, napakailap pang mabili ng mga dukha dahil ito lang ang mura. Ang isdang inangkat na p’wedeng mabili ng mga mahirap ay balsamado pa.

Ang maririnig mo lang sa Pangulo ay gawing biro ang grabeng problema ng bayan. Aniya, kaya nauubos ang bigas ay kumakain na ang mga gumaling sa pagkalulon­g sa droga. Hindi nawawala sa kanya ang magmura at magbanta sa lumalaban sa kanyang gobyerno. Inuutusan pa nga niya ang mga sundalo at pulis na patayin sila kapag nanlaban. Istilong Marcos kung remedyuhan niya ang problema ng mga dukha at nagugutom.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines