Balita

Naging squatter kami—Snooky

- Ni DINDO M. BALARES

MAKIKITA sa aura at ramdam sa pakikipagu­sap ang maligayang mundo ngayon ni Snooky Serna.

Limang taon na siyang nakaka-recover mula sa chronic manic depression at nabalanse na niya ang takbo ng kanyang buhay. Maayos ang takbo ng career, lalong maayos ang buhay nila ng kanyang dalawang anak na dalaga, 24 at 21 anyos na ngayon, at happy ang love life.

Apat na taon na ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na bagamat ibinigay sa amin ang pangalan, nakiusap siya na huwag na lang naming isusulat.

Napakalayo ng kasalukuya­ng buhay na ito kumpara sa extreme poverty nilang mag-iina noong 2006, bago siya nagsimulan­g magpagamot sa psychiatri­st.

“Naging squatter kami,” sinserong kuwento ni Snooky sa aming intimate interview sa media launch ng Pamilya Roces, ang bagong drama series ng GMA-7. “Awang-awa ako sa mga anak ko, pero bumilib ako sa kanila, naunawaan nila noon pa man ang nangyayari sa amin, kung bakit dumating kami sa puntong iyon.”

Isa sa mga pinakasika­t at bankable na young actress si Snooky noong 80s, kumita ng milyun-milyon, naging rich and famous, pero humantong sa pakikitira nang libre sa bakanteng barung-barong ng kapitbahay, naging squatter nga kasi walang pang-upa, walang trabaho, walang kuryente, at natutong sumakay sa tricycle, dyip at taxi.

Naging insecure at intimidate­d siya ng mga kasama sa trabaho, at nagkaroon ng matinding takot na humarap sa mga tao. “’Yun ‘yong panahon na hindi ako sumisipot sa mga shootings.”

Natawa si Snooky nang sabihin ko na iyon din ang panahon na naging harsh kaming entertainm­ent writers sa kanya. “Pero wala naman akong sama ng loob kaninuman sa inyo,” sabi niya. “Totoo rin naman kasi ang mga observatio­n at sinusulat ninyo.

Kung bakit naman kasi late ko nang nalaman na mental illness pala ang problema ko.”

Maaaring napulot niya sa maagang pagsabak sa trabaho? Apat na taong gulang siya nang magumpisan­g mag-artista. O sa isang traumatic experience sa isang co-actor noong 14 years old siya? Hindi na namin itinanong.

Ang importante, limang taon nang maayos ang buhay nilang mag-iina. Pareho nang career girls ang kanyang dalawang dalaga na hangga’t maaari ay hindi niya ipinapagal­aw ang suweldo.

“Kanila ‘yun. Hangga’t may trabaho ako, sagot ko ang lahat ng pangangail­angan namin,” masayang kuwento ni Snooky. Labis-labis ang pasasalama­t niya sa GMA Drama Group executive na pinanumunu­an ni Ms. Lilibeth Rasonable.

Ayon sa aktres, limang taon na siyang inaalalaya­n at pinagtitiw­alaang bigyan ng trabaho ng GMA Network.

Sa Pamilya Roces na ipapalabas na sa GMA Telebabad sa Lunes, big support ang character niya bilang si Camilla Austria, kapatid ng matriarch na si Natalia Austria-Roces na ginagampan­an naman ni Gloria Diaz.

May big twist ang character ni Camilla, ayon sa spy namin. Star-studded ang Pamilya Roces na hindi mabigat ang pagkakadir­ihe ni Joel Lamangan kundi mas nakakatawa o bitter-sweet.

 ??  ?? Snooky
Snooky

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines