Balita

Jolo, istrikto sa anak

- Ni ADOR V. SALUTA

SA kanyang guesting sa Tonight with Boy

Abunda, sinabi ni Jolo Revilla na marami siyang natutuhan sa ex-girlfriend na si Jodi

Sta. Maria, at isa na raw dito ‘yung pagiging responsabl­eng ama.

Kuwento ni Jolo, sinabi raw sa kanya ni Jodi na “kailangan 100 percent pa rin ‘yung ibibigay” niya sa anak na si Gab.

“Kahit wala na kami ngayon, wala akong masasabing masama sa kanya, eh. Dahil nagmahalan naman talaga kami, eh. Eight years is eight years,” sabi ni Jolo.

Sinubukan ba niyang suyuin si Jodi? “Siguro sa amin na lang ‘yun. I do still love her. Siguro, we both need time,” sabi ni Jolo kay Tito Boy.

Ano ang natutuhan niya sa naging relasyon niya kay Jodi? “Kailangan mas mahalin ko muna ang sarili ko. Papaano ka magmamahal ng iba kung hindi mo mahal ang sarili mo?”

Bilang ama, aminado si Jolo na istrikto siya kay Gab.

“Super istrikto ako sa anak ko. I’m a disciplina­rian.”

Kuwento ni Jolo, kakabigay lang daw niya ng cell phone kay Gab dahil kinuha niya ito sa bata para mailayo sa masasamang puwedeng makita sa social media, katulad ng pornograph­y.

Ayon kay Jolo, mabait ang 13-year-old niyang anak, na basketball player sa school nito. Okay din daw ang relationsh­ip niya sa ina ni Gab na si Grace, na regular niyang nakakausap. Nakakausap din ni Jolo recently maging ang lola ni Gab na si Rosanna Roces.

Palabas pa rin ang movie ni Jolo, ang Tres, kasama ang mga kapatid niyang sina Bryan at Luigi Revilla, under Imus Production­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines