Balita

Ex-bodyguard, kinasuhan sa panloloob kay Kim Kardashian

- Agencé France Presse

DALAWANG taon makaraang tutukan ng baril at pagnakawan si Kim Kardashian sa Paris, idinemanda ng insurance company niya ang dati niyang bodyguard at ang pinaglilin­gkuran nitong security firm sa Amerika sa halagang $6.1 million.

Isinampa ng kumpanyang AIG ang kaso nitong Miyerkules sa Delaware, at inakusahan ng breach of contract si Pascal

Duvier at ang pinaglilin­gkuran nitong ProtectSec­urity.

Ayon sa celebrity website na TMZ, na unang nag-ulat tungkol sa asunto, umalis si Pascal sa luxury residence, na pansamanta­lang tinuluyan ni Kim nang dumalo siya sa Paris Fashion Week noong Oktubre 2016, para sundan ang dalawa nitong kapatid sa kalapit na club.

Dahil dito, nawalan ng security ang reality star. Nakasaad din sa demanda na nabigo si Pascal na i-set ang ilang security device sa bahay, kaya naging madali ang panloloob ng mga nakamaskar­ang lalaki, iniulat ng TMZ. Iginapos si Kim ng limang lalaki, binusalan at ikinulong sa banyo bago tinangay ang mga alahas niyang nagkakahal­aga ng $10.6 million, kabilang ang diamond ring na iniregalo ng rapper na mister niyang si Kanye West, na ipinangala­ndakan ng reality star sa Instagram. Iginigiit ng AIG na mabawi nito ang $6.1 million na ibinayad nito kay Kim matapos ang panloloob, dahil sa kapabayaan ni Pascal at ng kumpanya nito, ayon sa TMZ. Nasa 11 katao ang kinasuhan ng French court kaugnay ng pinakamala­king pagnanakaw sa isang tao sa kasaysayan ng France sa nakalipas na 20 taon. Isang diamondenc­rusted cross lang ang nabawi sa sangkatuta­k na mamahaling alahas ni Kim.

Inamin naman ng hinihinala­ng lider ng mga suspek, si Aomar Ait Khedache, sa pulisya na nahirapan siyang ibenta ang 18.88-carat ring ni Kim, dahil ito ay “too recognizab­le”, pero ibinigay na niya ito sa isang taong hindi niya pinangalan­an.

 ??  ?? Kim
Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines