Balita

Heart relic ni Padre Pio, nasa ‘Pinas na

- Mary Ann Santiago

Dumating na sa Pilipinas ang heart relic ni Saint Pio of Pietrelcin­a, o mas kilala bilang Padre Pio.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), Biyernes ng gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) ang eroplanong sinasakyan ng heart relic.

Ilang pari at mga Obispo, na kinabibila­ngan ni retired Lipa Archbishop Ramon Arguelles, ang sumundo sa relic sa San Giovanni Rotondo, Italy.

Paglapag sa paliparan, ibiniyahe ang relic patungo sa National Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas at idinaos ang isang banal na misa, dakong 1:00 ng madaling araw.

Pansamanta­lang mananatili sa National Shrine of Padre Pio ang heart relic at saka ililibot sa Luzon mula Oktubre 8 hanggang Oktubre 10, na iho-host ng Archdioces­e of Manila.

Ililibot din ang heart relic sa Visayas region mula Oktubre 11Oktubre 13 sa ilalim ng Archdioces­e of Cebu, bago tuluyang dalhin sa Mindanao simula Oktubre 14-16, na iho-host ng Archdioces­e of Davao.

Ibabalik ang heart relic sa Batangas at magsasagaw­a ng concelebra­ted mass sa San Sebastian Cathedral sa Lipa City, bago dalhin sa Capuchin Monastery sa Barangay San Sebastian ng naturang lungsod.

Nakatakdan­g ibiyahe pabalik sa Italy ang heart relic sa Oktubre 26.

Ang Pilipinas ang ikaapat na bansang binisita ng heart relic ni Padre Pio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines