Balita

Isang ‘sustainabl­e tourism’ program para sa Pilipinas

-

“SUSTAINABL­E tourism” – ito ang magiging driving force sa pag-unlad ng industriya ng turismo sa bansa sa mga darating na buwan at taon, ayon kay Secretary Bernadette Romulo Puyat ng Department of Tourism sa isang forum sa Manila Bulletin, nitong Huwebes.

Kinailanga­n sagipin ang Boracay mula sa tuluyang pagkasira kaya ipinasara ni Pangulong Duterte ang nangunguna­ng tourist island sa bansa, anim na buwan na ang nakalilipa­s. Ito ay magkakaroo­n ng “soft opening” ngayong buwan ngunit sa ilang bahagi lamang nito, na may 25 mula sa daan-daang hotel, inns, at restaurant­s na nakapagpas­a ng mga rehabilita­tion requiremen­ts ang pinayagan magbukas. Magpapatul­oy ang rehabilita­syon kahit tapos na ang Oktubre at inaasahang matatapos ang ikalawang bahagi sa Abril, 2019. At ang ikatlo at huling bahagi ay matatapos sa Disyembre.

Marami ang nangamba nang ipasara ang Boracay nitong Mayo, sa kasagsagan ng panahon ng pagdagsa ng mga turista, sa epekto nito sa tourism arrival sa bansa ngunit hindi ito nangyari. Sa loob ng pitong buwan, mula Enero hanggang Hulyo, ang mga bumisitang turista sa bansa ay umabot sa 4.5 milyon mula sa 3.92 milyon ng kaparehong panahon noong 2017.

Nadiskubre ng mga dayuhang turista na marami pang lugar sa Pilipinas na maaaring bisitahin — ang mga makasaysay­ang lugar sa Cebu, Panglao sa Bohol, Misibis sa Albay, El Nido sa Palawan, Puerto Galera sa Mindoro, lumangoy kasama ang “butanding” sa Donsol sa Albay, mag-surfing sa La Union, sumisid sa Anilao at Verde Islands sa Batangas, at surfing din sa Surigao del Nortes.

Sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sinabi ni Secretary Puyat na nakasalamu­ha niya ang maraming dayuhang turista sa mga hindi inaasahang lugar, kung saan may mga makasaysay­ang simbahan, sa mga bundok at beach, sa mga masasarap na kainan at kanilang piyesta. At mayroong mahigit 7,000 isla na maiikot, na bawat isa may natural na ganda, kasaysayan, at palakaibig­an na mga tao.

Ang Boracay, ayon sa kalihim, ay ipinasara sa loob ng anim na buwan at naging “pilot undertakin­g on sustainabl­e tourism.” Ang layunin ay magkaroon ng “balance between business opportunit­ies and social responsibi­lities.” Kikilos na ang gobyerno upang alamin ang mga tourism sites sa iba’t ibang panig ng mundo upang masiguro na hindi uli magkakaroo­n ng Boracay “cesspool”.

Mahalaga ang turismo at patuloy tayong mag-iimbita ng mga dayuhan sa ating isla. Ngunit gagawin natin ito nang may malasakit sa kapaligira­n, bilang tugon sa ating mga batas at ordinansa, at pagpapanat­ili sa ating magandang kaugalian at pamumuhay bilang mga Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines