Balita

Murang bigas

- Bert de Guzman

MAKAAASA ang mamamayan sa pagkakaroo­n ng murang bigas sa susunod na dalawa hanggang apat na linggo. Ito ang pahayag ng National Food Authority (NFA) dahil parating na ang inangkat na 250,000 metric tons (MT) sa ibang bansa.

Sinabi ni Rex Estoperez,

NFA spokesman, ang presyo ng ordinary commercial rice ay posibleng bumaba mula sa P37 hanggang P39 bawat kilo mula sa umiiral ngayong P40 hanggang P42 kada kilo. Sana naman daw ay magkatotoo ang pahayag ni Estoperez upang magkaroon ng sapat na supply ng bigas ang mga pamilihan at makamura ang mga Pinoy.

Upang lalong tumatag ang presyo at supply ng bigas sa bansa, nakatakda pang umangkat ang Pilipinas ngayong taon ng 750,000 metric tons. Sinabi naman ni Trade Undersecre­tary Ruth Castelo na may sapat na rice supply sa merkado batay sa pulong ng National Price Coordinati­ng

Council (NPCC).

Nakatakdan­g bumisita si President Rodrigo Roa Duterte sa Kuwait sa susunod na buwan matapos maayos ang pandiploma­tikong gusot hinggil sa umano’y pag-abuso sa domestic helper o household service workers doon. Umasim ang relasyon ng PH at Kuwait, lalo na nang madiskubre ang bangkay ng isang babaeng OFW na isinilid sa isang refrigerat­or (freezer) matapos pahirapan at patayin ng kanyang mga amo. Siya ay si Joanna Demafelis.

Tinatayang may 255,000 Pilipino ang nagtatraba­ho sa Kuwait, karamihan ay domestic helpers. Hindi nagustuhan ni

PRRD ang pagkamatay ni Demafelis sa kamay ng magasawang employer kung kaya iniutos niya ang total deployment ban ng mga manggagawa­ng Pinoy sa nasabing bansa.

Kung ang US ang masusunod, hinihimok nito ang ‘Pinas na huwag bumili ng military weapons at iba pang kagamitan mula sa Russia. Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, sinabi ito ng ilang opisyal ng US sa kanya nang siya’y makipagpul­ong sa mga ito sa Washington DC.

Ayaw ng US na bumili ng mga armas at kagamitan ang Pilipinas sa Russia sapagkat maaaring hindi akma ang mga ito sakaling magkaroon ng military exercise ang PH at US. Maaaring hindi sanay ang mga sundalong Pilipino sa mga armas na gawa sa Russia dahil mas sanay at kabisado nila ang mga armas at kagamitan na gawa sa US.

Nakakahiya ang ginawang gulo ng isang kongresist­a na kabilang sa isang Party List Group sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) kamakailan. Hindi siya naghubad ng sapatos kahit nakiusap ang security personnel na hubarin ang sapatos na isang airport protocol. Eh, sino ba siyang lalabag sa mga patakaran ng paliparan, gayong maging si PRRD at iba pang matataas na lider ng bansa ay tumatalima sa mga kautusan at alituntuni­n sa paliparan?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines