Balita

3 grupo tinututuka­n sa PDEA ambush

- Fer Taboy, Zea Capistrano at Ali G. Macabalang

Nakatuon ang imbestigas­yon ng pamahalaan sa tatlo umanong drug syndicate, na pinaniniwa­laang nasa likod ng pananamban­g sa grupo ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) agents sa Kapai, Lanao del Sur, nitong Biyernes ng hapon.

Malaki ang paniwala ni PDEA Director General Aaron Aquino na paghihigan­ti ng mga nasasagaan nilang drug groups ang dahilan ng pananamban­g sa Barangay Malna sa nasabing bayan.

Aniya, sinimulan na nila ang surveillan­ce operations laban sa naturang mga grupo sa Lanao del Sur.

Sa paunang report ng awtoridad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), kinilala ang mga PDEA agent na sina Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipolla, at Diobel Pacinio.

Iniimbesti­gahan na rin umano nila ang hindi pagrespond­e ng mga pulis sa lugar ng pinangyari­han ng insidente.

Bago naganap ang insidente, nasa likod pa umano ng sinasakyan ng mga PDEA agent ang mobile car ng pulis.

Nangangamb­a naman ang Moro Consensus Group sa posibilida­d na gamitin ng ilang opisyal ng pamahalaan ang nasabing insidente upang maisulong ang pagpapalaw­ig ng martial law sa Mindanao.

“We don’t want this incident to be used by hawkish officials in the Government to justify the extension of Martial Law in Mindanao,” ayon kay Drieza Lininding, convener ng nasabing civil society group.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines