Balita

45% ng Pinoy: May sakit si Digong

- Beth Camia

Nasa 45 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwala­ng may problema sa kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang lumalabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong September 15-23.

Sa 1,500 Filipino adults na naintervie­w, 45% ang nagsabing naniniwala silang may health problem ang Pangulo, 26% ang hindi naniniwala, habang 29% ang “undecided” sa isyu.

Samantala, 55% naman ang nagsabing nababahala sila na magkaroon ng problema sa kalusugan ang Presidente, habang 44% ang hindi nababahala.

Lumalabas din sa survey ng SWS na 61% ng mga Pilipino ang naniniwala­ng ang kalusugan ng Pangulo ay isang “public matter”, o usaping mahalaga sa publiko kaya dapat ipaalam sa mamamayan ang lahat tungkol dito; 33% ang nagsabing ito ay pribadong paksa at hindi na kailangang ipaalam sa publiko; habang 6% ang walang opinyon.

Pinakamara­mi ang nagsabi na may problema sa kalusugan ang Pangulo sa Metro Manila sa +31, na sinundan ng Balance Luzon sa +21, Visayas sa +14, at pinakakaun­ti sa Mindanao sa +12.

Gayunman, pinakamara­mi sa Mindanao ang nag-aalala sa kalusugan ng Pangulo sa +61, na sinundan ng Metro Manila sa +59, Balance Luzon sa +53, at Visayas sa +51.

Ang resulta ng survey ng SWS ay inilabas sa kasagsagan ng mainit na isyu tungkol sa kumpirmasy­on ni Pangulong Duterte na nagpatingi­n siya sa Cardinal Santos Medical Center nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines