Balita

Duterte nag-‘relax’ sa HK

- Nina GENALYN D. KABILING, BETH CAMIA at MARY ANN SANTIAGO

Marapat lang na magpahinga si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at namnamin ang bakasyon nilang pamilya sa Hong Kong dahil sa bugbugang trabaho sa opisina, sinabi ng isang opisyal ng Palasyo kahapon.

Ito ang inilabas na pahayag ni Presidenti­al Communicat­ions Secretary Martin Andanar bilang depensa sa pribadong pagbisita ng Pangulo sa Hong Kong nitong weekend.

Umalis si Duterte sa bansa nang walang abiso para sa weekend vacation sa Hong Kong kasama ang kanyang longtime partner na si Honeylet Avanceña at anak nilang si Veronica.

Kagabi inaasahang lilipad sila pabalik ng Pilipinas.

“Alam mo naman si Presidente nabanggit na dati na he’s fond of going to Hong Kong before. I think he really deserves his family time. Sarili niyang oras na makapag ikot-ikot, makain siguro yung pagkain na gusto niya o mabil ang damit na gusto niya,” ani Andanar sa isang panayam sa radyo.

“He deserves this. Napaka-hardworkin­g ni Presidente Duterte so mas maganda na mag-enjoy nang mag-enjoy lang siya doon na walang istorbo,” dugtong niya.

Isinantabi ni Andanar ang mga batikos tungkol sa biglaang pagbakasyo­n ng Pangulo sa Hong Kong habang pinapasan ng bansa ang mataas na pesyo ng mga bilihin. Sinabi niya na hindi tumitigil ang detractors ng Pangulo sa pagbatikos sa kanyang bawat galaw.

Binalewala rin ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga batikos, iginiit niya na walang masama kung magkaroon ng “weekend break” si Duterte.

Nangyari ang weekend vacation ng Pangulo ilang araw matapos siyang bumisita sa ospital para sumailalim sa pangalawan­g colonoscop­y.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na maaari pa ring magampanan ni Duterte ang kanyang mga tungkulin kahit pa sumasailal­im siya sa medical tests.

Paglilinaw ni Duque, ang pagsailali­m sa medical tests ay hindi nangangahu­lugan na hindi na kayang magtrabaho ng Pangulo.

Diin niya, lahat naman ng tao, kahit presidente pa ay kailangan rin ng panahon para makapagpah­inga.

“Everyone deserves a break, he needs rest because he really has a very torturing schedule,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines