Balita

Pagpapabab­a ng presyo ng bilihin, tinututuka­n

- Genalyn D. Kabiling

Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang matiyak ang katatagan ng presyo ng mga pangunahin­g bilihin sa bansa sa gitna ng napaulat na pagbaba ng satisfacti­on rating ng administra­syon sa ikatlong bahagi ng taon.

Aminado rin si Presidenti­al Spokesman Harry Roque na kaya nakatangga­p ng lagapak na rating ang pamahalaan sa paglaban sa inflation ay dahil ibinatay ito sa pinakahuli­ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

“Regardless of the numbers, we assure everyone that the Administra­tion is working double time to ensure prices of basic goods become stable as we cushion the impact of higher inflation,” anito.

“May mga hakbang nang isinagawa ang pamahalaan, kasama na ang pag-angkat ng bigas at pagsibak ng mga ilang tauhan na may kinalaman sa pagkawala ng libo-libong sako ng bigas, para masolusyun­an ang kakulungan ng supply sa pamilihan na siyang nagpapataa­s ng presyo ng mga bilihin,” pahabol ni Roque.

Sa inilabas na survey na isinagawa nitong nakaraang buwan, natukoy na 65 porsiyento ng mga respondent ay nagpahayag ng pagkakunte­nto sa performanc­e ng Duterte administra­tion.

Aabot naman sa 15% ang hindi nakuntento at 19 porsiyento ang hindi matiyak kung kuntento o ‘di nasiyahan.

Ang nasabing bilang ay nagresulta sa net satisfacti­on rating nito na +50 na ikinokonsi­derang “very good,” para sa administra­syon at mas mababa kumpara sa +58 “excellent” grade nito nitong nakaraang Hunyo.

“Nagpapasal­amat kami sa ating mga kababayan na patuloy na nasisiyaha­n sa Administra­syong Duterte,” sabi pa ni Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines