Balita

Interpol chief nawawala

-

PARIS (Reuters) – Iniimbesti­gahan ng French police ang pagkawala ng Interpol chief na si Meng Hongwei, na iniulat na naglaho matapos bumiyahe mula France patungo sa kanyang bayan sa China, habang isinailali­m ang kanyang misis at mga anak sa police protection matapos makatangga­p ng mga pagbabanta.

Dumulog ang misis ni Meng sa pulisya sa Lyon, ang French city kung saan nakabase ang internatio­nal police agency, matapos wala nang balita mula sa kanya simula noong Setyembre 25, at makaraang makatangga­p ng mga pagbabanta sa telepono at sa social media, sinabi ng interior ministry ng France.

Sinabi ng isang tao na pamilyar sa imbestigas­yon na ang initial working assumption ay ginalit ni Meng ang Chinese authoritie­s sa kung anumang dahilan at bilang resulta ay idinetine siya.

“France is puzzled about the situation of Interpol’s president and concerned about the threats made to his wife,” sinabi ng ministry, idinagdag na nakikipagu­gnayan na ito sa China.

Sinabi ng Interpol na ang pagkawala ng kanyang president ay ‘a matter for French, China authoritie­s’

Iniulat ng South China Morning Post ng Hong Kong na si Meng ay dinampot para kuwestiyun­in nang lumapag ito sa China, ngunit hindi malinaw kung bakit.

Sinabi ni secretary general Juergen Stock na humingi na sila ng “clarificat­ion from China’s authoritie­s on the status of Interpol President Meng Hongwei.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines