Balita

Roque, pinipigila­ng mag-resign

- Genalyn D. Kabiling

Ipagpapali­ban kaya ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque ang plano niyang tumakbong senador sa 2019 at sa halip ay mananatili sa gobyerno?

Inamin ni Presidenti­al Communicat­ions Secretary Martin Andanar na sinisikap ng Palasyo na kumbinsihi­n si Roque na pamunuan ang panukalang Office of the Press Secretary (OPS), at tila makukumbin­si siyang manatili.

Sinabi ni Andanar na nagsumite siya kay Executive Secretary Salvador Medialdea ng draft executive order na bumubuhay sa OPS, at kinikilala ang kahalagaha­n ni Roque sa communicat­ion efforts ng gobyerno.

“Isa sa mga napag-usapan namin ay kailangan makumbinse namin si Secretary Roque na huwag nang tumuloy sa kanyang Senate plans, sa kanyang pagtakbo sa 2019,” aniya sa panayam sa radyo.

“Pinag-iisapan pa niya. Sabi ko bilisbilis­an mo pag-iisip mo dahil malapit na yung filing pero mukha naman yung mga nakaraang araw ay medyo nako-convince na siya na huwag nang tumakbo,” dugtong niya.

Nauna nang hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Roque na talikuran na ng planong tumakbo sa Senado sa halalan sa susunod na taon dahil sa maliit ang tsansang siya ay mananalo at sa halip ay inalok ng bagong trabaho.

Humingi si Roque ng panahon para pagaralan kung siya ay magbibitiw at tatakbo o mananatili sa administra­syon. Inaasahang ipapahayag niya ang kanyang desisyon ngayong araw.

Pinag-isipan ni Roque na magbitiw matapos paglihiman kaugnay sa pagbisita ng Pangulo sa ospital kamakailan.

Samantala, sinabi ni Andanar na nakahada siyang magparaya para pamunuan ni Roque ang OPS na papalit sa Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO).

“Walang problema kasi naintindih­an ko yung importansy­a na hindi umalis si Secretary Roque at isa nga ako na nagko-convince sa kanya na huwag na tumuloy. Mayroon pa nama 2022,” ani Andanar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines