Balita

Journalist pinatay sa Saudi consulate?

-

ISTANBUL (AFP) – Ipinapalag­ay ng Turkish police na ang prominente­ng Saudi journalist na si Jamal Khashoggi ay pinatay sa loob ng Saudi mission sa Istanbul matapos maglaho nitong Martes, sinabi ng isang hindi pinangalan­ang opisyal ng gobyerno nitong Sabado.

‘’Based on their initial findings, the police believe that the journalist was killed by a team especially sent to Istanbul and who left the same day,’’ sinabi ng opisyal sa AFP.

Lumabas ang balita ilang oras matapos kumpirmahi­n ng pulisya na tinatayang 15 Saudis, kabilang ang mga opisyal, sa Istanbul sakay ng dalawang flights nitong Martes ang nasa consulate kasabay ng journalist.

Hindi na nakalabas ng gusali si Khashoggi, contributo­r ng Washington Post, sinabi ng pulisya sa Anadolu news agency.

Naglunsad na ng imbestigas­yon ang Ankara sa pagkawala ng mamamahaya­g.

Isang dating government adviser na binabatiko­s ang ilang polisiya ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman at ang pangingial­am ng Riyadh sa digmaan sa Yemen, namuhay si Khashoggi sa self-imposed exile sa United States simula noong nakaraang taon para makaiwas sa posibleng pag-aresto.

Sinabi ng Turkish fiancée ni Khashoggi na si Hatice Cengiz na hindi siya naniniwala na ‘ he has been killed’’.

Ayon kay Cengiz, bumisita si Khashoggi sa consulate para tanggapin ang official document para sa kanilang pagpapakas­al.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines