Balita

Drug surrendere­r, balik selda

- Hanah Tabios

Isang dating drug surrendere­r at bilanggo ang muling naaresto sa buy-bust operation ng San Juan City Police, nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay Police Senior Supt. Dindo Reyes, ng San Juan City Chief of Police, nagsagawa ng operasyon ang Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) laban sa suspek na si Jay Bernales, 34, ng Barangay Sta. Lucia, San Juan City, kasunod ng mga report hinggil sa umano’y pagkakasan­gkot niya sa kalakaran ng shabu at marijuana sa lungsod.

Ayon sa awtoridad si Bernales ay kilalang tulak ng ilegal na droga.

Pumuwesto ang grupo ni Senior Insp. Dionisio Jonathan De Castro sa kahabaan ng P. Parada Street, malapit sa bahay ng suspek, dakong 12:30 ng madaling araw.

Nagkasundo ang undercover police at suspek na magkita sa nasabing lugar upang doon isagawa ang illegal drug transactio­n. Matapos iabot ng suspek ang isang pakete ng droga ay agad itong inaresto ng mga pulis.

Nakuha rin umano ng mga pulis ang lima pang pakete ng hinihinala­ng marijuana, na hindi pa tukoy ang dami.

Idinagdag ni Reyes na si Bernales ay dating drug surrendere­r sa kasagsagan ng “Oplan Tokhang” at kabilang din sa drugs watchlist ng pulisya.

Gayunman, kahit isinuko niya ang kanyang sarili sa mga pulis ay nagpatuloy pa rin umano ito sa ilegal na aktibidad.

Bukod diyan, sangkot din umano ang suspek sa mga insidente ng pagnanakaw sa nasabing barangay.

Siya ay nakulong sa kasong theft noong 2013, ngunit nakalaya nang bigong makadalo sa pagdinig ang complainan­t kaya ibinasura ang kaso noong 2014.

Ngayon ay muling nakakulong si Bernales, at nahaharap sa kasong selling and possession of illegal drugs charges sa ilalim ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines